🍑7

422 33 11
                                    

Narration
Jia's POV

Nag papractice kami ngayon ng mga kasama ko sa dance troupe nang biglang may pumasok sa room namin, si Yedam sunbaenim, ang president ng student council.

"Hi guys, alam niyo diba na malapit na ang interschool sports competition?"

Tumango kaming lahat.

"Sabi ni Sir Jung magcocollab daw kayo sa dance troupe ng BHA. Magpeperform daw kayo ng intermission number sa opening program. Dun daw kayo sa campus nila magp-practice. Ayos ba sa inyo?" Ani Yedam sunbaenim

Hala! School yun nina Sunoo juskolord nahihiya na akong magpakita kung sakaling magkikita kami dun!

"Kelan daw magsisimula ang practice?" Tanong ni Ryujin unnie, co-leader ko sa dance troupe.

"Bukas daw after classes" sagot ni Yedam sunbaenim.

Oh God! Pag makikita ko siya maaalala ko lang yung kahihiyang ginawa ko! Huhuhu

"Okay noted." Sagot ni Ryujin unnie.

"Okay aalis na ako." Sabi ni Yedam sunbaenim at lumabas na.

Bigla akong humilata sa sahig.

Waaahhh anong gagawin ko if ever makasalubong ko siya sa school nila? Tatakbo ba ako? Tatalon? Sisigaw ang pangal—  Yuyuko? Magha-hi? Anooooa ko na masyado pota

"Wooooyyy!" May sumigaw sa tenga ko.

Napabangon ako bigla sa gulat.

"Ano?" Biglang tanong ko sa sumigaw sa tenga ko na si Yuna pala.

"Ano, ayos ka lang? Ba't parang balisa ka dyan?" Mapang-asar na tanong niya.

Leche talaga tong isang to eh.

"Hmm... Ewan." I shrugged.

"Mas malaki ang chance na makikita mo si Sunoo dun sa school nila. Dapat happy ka gorl!" Sabi ni Yuna at hinampas pa ako sa balikat.

"Aray hah! Kung makahampas ka! Kung ako maghampas sayo mababali talaga lahat ng mga buto mo! Sige ka!" Pambabanta ko.

"Sorry na hehe. Di na mauulit" sabi niya sabay peace sign.

"Hindi ko alam anong gagawin ko pag makakasalubong ko siya. Alam kong makikilala niya ako kasi mukha ko mismo yung profile ko diba? Anong gagawin ko? Ngingiti sa kanya? Magha-hi as if wala akong ginawang katangahan? O tatakbo nalang? Anooo?!" Pagwawala ko. Okay. Para na akong baliw neto.

"Uhh... Act normally?" Patanong na sagot ni Yuna. Minsan talaga walang maitutulong tong isang to eh.

"Paano ako 'makaka-act normally' nyan eh kung sa chat nga lang nanginginig na kamay ko para lang manotice niya ako. Pano nalang kaya pag nakasalubong ko na siya?" Potek di ko na alam pinagsasabi ko.

"Uy sino yang pinaguusapan niyo?" Bigla namang sumulpot si Ryujin unnie sa tabi namin. Tsismosa din tong isang to eh.

"Ah ate, kilala mo si Kim Sunoo? Yung taga BHA? Crush—" di na natuloy ni Yuna yung sasabihin niya nang hinila ko siya saka tinakpan yung bunganga niya saka kinurot sa tagiliran. Minsan talaga ang sarap hilahin ng dila niya sa sobrang daldal! Buset.

Para namang naguguluhan si Ryujin unnie pero di ko na pinansin yun. Binitawan ko na si Yuna saka umayos ng tayo.

"Ah eh as I was saying..." Tinignan naman niya ako kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. Ge subukan mo lang na sabihin kasi malilintikan talaga kitang babaita ka!

"Crush kasi siya ng classmate namin shinare niya lang sa amin kasi ang cute saka ang pogi daw. Kilala niyo ba siya?"
Palusot ni Yuna. Good.

Para namang nag isip-isip si Ryujin unnie saka siya sumagot, "Ah! Si Sunoo? Yung kaibigan ni Heeseung? Cutie talaga yung batang yun as in tapos ang ganda pa ng boses pero intimidating siya pag nagseseryoso yung mukha. Marami din kaya nagkakacrush dun." Pagdadaldal ni Ryujin unnie.

"Pano niyo siya nakilala?" Di ko na napigilang magtanong.

"Classmate ko kasi noon si Heeseung tapos one time nakita ko silang dalawa ni Sunoo sa cafe pinakilala niya si Sunoo sa kin." Sagot naman niya.

"Pano niyo nalaman na maraming nagkakacrush sa kanya?" Tanobg naman ni Yuna na halatang inaasar ako.

"Nung one time na pumunta akong BHA, bukambibig kasi yang sina Sunoo pati yung ibang kaibigan niya." Ryujin unnie.

Lah... Marami pala talaga akong kaagaw sa kanya.

I shrugged off my thoughts at tinawag na ang iba para magpatuloy sa practice.

"Guys! Break is over let's continue!"

Heart Back ☀︎︎ Kim SunooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon