🍑11

329 22 0
                                    

Narration
Jia's POV

"Okay that's all for today guys, bukas ulit!" Sabi ni Kuya Hyunjin na pumaplakpak.

Nag kanya kanya na kaming kuha sa mga gamit namin para magbihis.

Pumasok na ako ng cr para mag bihis at mag-ayos ng onti. Ayoko kasing makita ako ni Sunoo kung sakali na haggard mas lalong nakakaturn-off yun!

Paglabas ko ng banyo, lumapit ako kay Yeji unnie.

"Dongsaeng, sasabay ka ba sa amin? Medyo matatagalan pa kami kasi may aasikasuhin pa kami sa office," sabi ni Yeji unnie na nagpupunas ng mukha.

"Ah mauuna na siguro ako kasama ko naman si Yuna." Magsesebeneleben pa kami. Wooohhh

"Oh... Okay. Ingat kayo sa pag-uwi ha! Ikaw na magluluto," sabi pa niya habang abala sa pag aayos ng mga gamit niya.

"Basta kayo ang maghuhugas ng pinggan!" Sagot ko naman.

Kami lang kasing tatlo ang nasa bahay kasi nasa ibang bansa ang mga magulang namin. Madalas silang naga-out of country dahil sa kung anong kaek-ekan nila. Palagi nalang silang busy eh.

Nagpaalam na ako sa ibang kasamahan namin at kina Yeji unnie at Kuya Hyunjin. Si Yuna naman ay di pa tapos mag ayos kaya sinenyasan ko nalang siya na mauuna akong lumabas.

Bubuksan ko na sana ang pintuan nang maalala ko naman na baka nandoon pa sina Sunoo. Baka siya yung bubungad sakin o ano. Pinakiramdan ko muna kung may ingay sa labas.

Baka wala na sila. Malapit nang mag7 tapos tahimik na rin. Hays siguro naman no?

Bumuntong hininga ako saka dahan-dahang binuksan ang pintuan.

Nang tuluyan nang mabuksan ang pintuan, laking pasalamat ko dahil sarado na ang music room at kaunti nalang ang tao sa hallway. Wala ring Sunoo at yung mga kaibigan niya pero may isang bagay na nakakuha ng atensiyon ko, may wallet sa sahig.

"Kanino ba to?" Tinignan ko pa ang wallet sa sahig at nagdalawang isip na pulutin ito. Baka kasi prank o ano. Mahirap na, hindi pa naman ako taga dito.

Tinignan ko pa ang paligid saka tinignan ulit ang wallet.

"Hays, ibibigay ko nalang to sa office— sino bang may-ari nito?" Hindi ko ugaling buksan o hawakan ang mga gamit na hindi akin, lalong lalo na kung di ko alam kung sinong may-ari.

Pero parang may nagtulak sa akin para buksan ito.

Sa may-ari nito, wag kang mag-alala at wala akong kukunin dito.

Pagkatapos ng ilang minutong pakikipagdebate sa sarili ko kung bubuksan ko ba o hindi, binuksan ko rin ito.

"Oh my—"

"Jia!" naputol agad yung reaction ko nang marinig ko yung boses ni Yuna.

Pasimple kong tinago sa bulsa ko ang wallet at humarap kay Yuna.

"What took you so long?— oh nevermind. Si Yuna ka eh. Marami kang kaek-ekan sa katawan tsk." Umirap ako sa kanya.

"Sorry naman! Dapat maganda para manotice ni crush. Lam mo na... Taga dito lang siya hihi," pabebeng sabi niya.

"Psh. Tara na nga!" Saka hinila ko na siya para umalis na.

"Magsesebeneleben tayo?" Tanong pa ni Yuna.

"Oo. Duh ikaw ang nag yaya diba? Kaya ikaw ang manlilibre." Ako.

"Hoy! Ikaw na manglilibre! Ako kaya yung nanglibre nung huli!" Yuna.

"Tss... O siya na nga!"

A/N:
Kanino kaya yung wallet? Ano kaya yung meron dun? Huahua. Abangan!

Heart Back ☀︎︎ Kim SunooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon