🍑41

219 15 0
                                    

Narration
Sunoo's POV

"Ang boring talaga kapag wala si riki," Jungwon sighed habang kumakain kami ngayon sa cafeteria. Lunch break na kasi namin ngayon.

"Maganda talaga kapag kasama natin siya, ang ingay niya kasi. Ikaw kasi lately, di ko ulit halos makausap ng matino. Okay ka lang ba?" Tanong pa niya. It's been four days na din kasi simula nung umuwi si Ni-ki sa Japan. Medyo nanibago din ako kasi walang maingay.

And within that four days, napapaisip ako palagi dun sa sinasabi nila tungkol kay Jia at sa kung ano ang sinend niya sakin.

I shook my head, "Ayos lang, namiss ko lang si Ni-ki," palusot ko.

"Si ni Ni-ki nga ba? Or..." ayan na naman siya oh. "Malay mo makikita mo na siya uli—" Kumuha agad ako ng malaking piraso ng tinapay saka isinubo sa kanya. Sana mabilaukan kang bata ka. De joke lang.

"Hyung naman, malay mo diba?" Sabi niya pagkatapos malunok yung tinapay na sinubo ko sa kanya.

"Tumahimik ka na nga dyan," tumayo na ako mula sa inuupuan ko at kinuha ang bag ko, "Woy, tara na, malapit na mag time,"

Walang araw na hindi ako umaasa na babalik siya. Simula nung may inunsent siya na message, parang nabuhayan ako ng loob.



"Hyung, ice cream muna tayo," bungad ni jungwon sakin nang makalabas na siya ng classroom niya. Palagi talaga kaming sabay papasok ng school at pauwi. Yan na ang nakasanayan namin noon palang.

"Tara, basta libre mo," napairap naman si Jungwon.

"Hyung naman, ikaw dapat maglilibre sakin!"

Binatukan ko siya, "Hoy, last time, ako nanglibre sayo, ikaw naman this time! Ang laki din kaya ng ginastos ko nun dahil sayo. Ang daya mo ulul,"

Napakamot naman siya sa batok niya, "Oo na oo na ako na!"

"Alam mo na yung gusto kong flavor,"

"Bat ba paborito mo yung ice cream na lasang toothpaste na nilagyan ng chocolate chi—" tinignan ko siya ng masama kaya... "Hehe sabi ko nga hyung favorite mo mint choco. Shut up na ako dun hehe,"

Nang makuha namin yung order namin, nagsimula na kaming kumain habang naglalakad pauwi.

This reminds me of those times na magkasama kaming umuwi ni Yerin— na Jia na ang pangalan ngayon. Siya ang dahilan kung bakit naging paborito ko yung mint choco ice cream na ayaw na ayaw ko noon.

Eventhough hindi kami palaging magkasamang umuuwi simula nung tumuntong kami ng highschool, hindi parin nababago yung feeling na natutuwa ako kapag kasama siya pauwi.

Kailan ba ulit kita makakasamang umuwi ng ganito? Miss na miss ko nang kasama ka...

Miss na miss ko na yung dating tayo.

Heart Back ☀︎︎ Kim SunooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon