🍑19

323 22 5
                                    

Continuation
Onting trigger warning lang po.

Narration
Sunoo's POV

"Oo." Sagot ni Jia. Mas lalo akong kinabahan. I think panahon na para malaman niya.

"Nakita mo yung picture diba?" Tanong ko pa.

"Nakita ko din. Bat meron ka nun?" Jia.

"Kasi... we used to be... bestfriends," ako.

Napahawak siya sa ulo niya, oh no.

"What? How? Ngayon lang kita nakilala." Jia.

"Hindi ko pa pwedeng sabihin sayo Jia, sumasakit na yang ulo mo," ako.

"I don't care! Mas lalo lang sasakit ang ulo ko dahil naguguluhan na ako!" Medyo tumaas na ang boses niya.

"Let's get out of here first," at hinila ko na siya palabas.

Dinala ko siya sa playground na medyo malapit lang sa bahay namin.

"Aahhh... Aray ang ulo ko!" Jia.

Dinala ko agad siya sa isang bench at pinaupo.

Di pwede to. Nasasaktan din ako para sa kanya.

"Ye- Jia, siguro sa susunod nalang kita kakausapin tungko dito. Di pa handa ang utak mo baka mas lalo lang sasakit ang ulo mo." Nag-aalalang sabi ko.

"No! Sunoo please sabihin mo na sakin!" Humahagulgol na siya ng iyak. Yerin...

Kinuha ko yung wallet ko at nilabas ang litratong matagal nang nakalagay doon. Litrato naming dalawa noong bata pa lang kami.

Nilahad ko ito sa kanya, at lumapit sa kanya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. "We used to be childhood bestfriends. Palagi tayong magkasama nun simula elementary hanggang grade 7. Magkapit-bahay kasi tayo noon nung nasa Gyeonggi pa tayo." Pagsisimula ko habang inala-ala ang lahat ng nangyari noon. Napapikit ako, "until one day, nalaman ko nalang na..." Tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko, "... nalaman ko nalang na... nar-rape ka habang pauwi ka galing sa school," mas lalong lumakas ang hagulgol ko ganun na din kay Jia, "Yerin, I'm sorry! I'm sory dahil wala ako sa tabi mo para sagipin ka! Sorry kasi nung time na kailangan mo ng tulong wala ako! Sorry! I'm so sorry!"

"Sunoo, naalala ko na," umiiyak paring sabi niya at nauutal pa, hawak-hawak ang ulo niya.

"Sunoo, bakit nawala sa alaala ko yun? Bat nawala ka sa alaala ko?" Jia.

"Inundergo ka sa therapy dahil masyado kang natrauma sa nangyari. To the point na natutulala ka nalang palagi at ayaw mo nang kumain. You isolated yourself from everyone. Pinagtulakan mo pa palayo ang kuya mo at ang daddy mo, natatakot ka nang lumapit sa mga lalake, kahit ako, tinulak mo na din palayo," at humagulgol na naman ako sa iyak, "tapos... Tapos nalaman ko nalang na umalis na kayo at lumipat sa ibang lugar."

"Sunoo..." Sambit niya sa at bago pa man ako makapag-patuloy sa kwento ko ay biglang bumagsak ang ulo niya sa hita ko.

"Jia? Jia?" Tinapik-tapik ko ang mukha niya, di niya na kinaya ang sakit ng ulo niya to the point na nahimatay siya.

Kahit di pa ganun na bumalik ang lakas ko ay binuhat ko parin siya pauwi.

Nang makarating ako sa garage ng bahay ay ipinasok ko siya sa passenger's seat ng sasakyan ni noona at agad na umupo sa driver's seat at pinaandar ko na paalis papuntang ospital.

Tinawag ako ng nga maids pero di ko na sila pinansin pa. Tumakas lang naman kasi talaga ako sa bahay para lang makipagkita kay Jia.

Di rin nagtagal at nakarating na kami sa ospital at insakso agad ng mga doktor.

Sa sobrang pagod ay mas lalo akong nanghina. Mas nanlamig ako. Pilit kong labanan ang panghihina ko pero di ko parin kinaya, I passed out.

A/N
Few more chaps left and we'll say goodbye to Sunoo and Jia's love story ahih. Actually di ko pa talaga alam kung hanggang kelan to matatapos. Neways 4 straight updates kasi di ako nag-ud for 2 days.

Please vote and support this book and also to the upcoming series #2! May ideas na ako para sa susunod na story and sa characters. Who would be the next member? Please look forward to it! Thank you ng marami!

Heart Back ☀︎︎ Kim SunooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon