17

39 3 0
                                    

Matapos ang 'performance' kuno ni Kuya, si Dad naman ang sumunod. Hindi pa nag-uumpisa tawa na kami ng tawa dahil may kasamang sayaw ang 'performance' ni Dad. 'Touch by Touch' kasi ang pinili nitong kantahin.

Aliw na aliw kaming lahat sa ginawa ni Dad, at pagkatapos nito, hingal na hingal ito na inumpisahang tuksuhin ni Mama. Si Kuya ulit ang sumunod na kumanta. Habang kumakanta si Kuya ng sad song, hindi ko sure kung may pinagdadaanan ba ito o ano, kinuha ko naman yung songbook at sabay kami ni Dwayne na naghanap ng kakantahin.

Si Dwayne ang unang nakakita ng gusto nitong kantahin at dahil naghahanap pa ako ng kakantahin ko, hindi ko nakita kung anong title ng kanta nung inireserve niya yung kakantahin niya. Ilang minuto lang nang makakita ako ng gusto kong kantahin at tapos na rin si Kuya sa kinakanta nito. Dalawa pang kanta ang kakantahin ni Kuya kaya naghintay pa kami ng ilang minuto bago si Dwayne.

Nang nasa kamay na ni Dwayne yung mic at nagplay yung intro ng kanta, napatitig ako dito. Assumera ako kaya feeling ko para sakin yung kanta.

~I tell you I love you

And you just laughed in my face

Baby don't just wave me off

I'm not kiddin'

You're the girl that I can never replace

I tell you that you're beautiful, woah

Of course, you don't believe me

You say that you have heard that one before

Oh, baby, I keep coming back with more~

Damang-dama naming lahat yung kanta at lahat kami ay nakikinig lang kay Dwayne. Ang ganda kasi ng boses nito.

~'Cause baby

I'm not going nowhere

I'll be right here

Tryin' to get you to understand

That I

I was made for you

And you were made for me, baby

We were meant to meet and fall in love

Oh, I'll take you places

We'd be amazing

A Pandemic Love Story- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon