This is it pansit! Napakapit ako sa luggage bag ko habang napapaisip kung tama ba ang desisyon kong manatili sa tabi ni Dwayne ng ilang araw. Close nga kami pero hindi pa naman kami nagsasama. Parang live in na eh. Bulong ng maliit na boses sa utak ko.
Umiling ako ng marahas para maalis ang mga pinag iisip ko. Problemado yung tao, kailangan niya ng kasama, tutulungan ko lang siya bilang matalik nitong kaibigan, yun lang at hanggang doon lang dapat.
Kinuha ni Dad ang bag na dala ko pagkalabas ko sa kwarto si Kuya naman ay mahigpit na yumakap sa akin, mukhang hanggang ngayon ay sinisisi nito ang sarili dahil sa nangyare sa akin or baka namimiss lang talaga ako nito.
Si Dad ang maghahatid sa akin kila Dwayne na dalawang subdivision lang naman ang layo sa bahay, gustong sumama ni Kuya sa paghatid pero pinaiwan na ito ni Dad para samahan si Mama.
Nginitian lang ako ni Mama at kumaway pagkababa ko sa hagdan, nilapitan ko ito at yumakap. Hinatid naman ako nito kasama si Kuya sa labas ng bahay.
Nang umandar na ang sasakyan panay ang paalala ni Dad na mag-ingat daw kami doon, nagpabaon din ito ng mga grocery items para hindi na daw kami lumabas pa ni Dwayne. Ang nagawa ko lang habang kausap ako ni Dad ay tumango at ngumiti. Parati din itong ngumunguso dahil unang beses akong mapapalayo sa kanila ng konti lang naman, pero naiintindihan naman nito ang sitwasyon at ang pinagdadaanan ni Dwayne.
Nakarating kami sa bahay nito ng ilang minuto, inaabangan na kami nito sa gate nila at ito na din ang nagbukas niyon at pinarada naman ni Dad ang kotse sa harapan ng bahay nila.
"Tito, Eunice, pasensya na talaga." Bungad nito sa amin, ayaw din nito sa ideya kong samahan ito dahil nakakaabala pa daw ito sa akin pero syempre mapilit ako, kaya ako ang nasunod.
"It's okay iho, okay na rin ito para mapanatag ka kahit papaano, ingatan mo ang prinsesa ko." Sabi ni Dad at binigyan pa ng man-hug ang loko.
"Yes, Tito, sorry po talaga sa abala."
Ginulo ni Dad ang buhok nito na nagpangiti kay Dwayne.
"You grew up so much, at kamukhang kamukha mo ang Dad mo." Dahil sa sinabi ni Dad nagbigay ng malungkot na ngiti si Dwayne dito.
Tinapik ko naman si Dad na agad tumingin sa gawi ko at binigyan ito ng knowing look. Alam naman nitong pinoproblema na ng tao ang mga foster parents nito tapos ipapaalala pa nito ang totoong mga magulang nito.
Dad let out a nervous laugh at ginulo ulit nito ang buhok ni Dwayne.
"Anyways, we brought you something." Sabi ni Dad at kinuha ang mga grocery items pati na ang pananghaliang iniluto ni Mama para sa amin. Kinuha ko na rin ang bag ko na inagaw sa akin ni Dwayne at inaya na niya kaming pumasok sa loob.
I was in awe to see their house interior design. It has minimalistic designs na nagbigay ng neat, clean and cozy look sa buong bahay.
Simple ang mga furnitures nila pero masasabi mo pa ring mga mamahalin ang mga iyon. Ibinababa muna ni Dwayne ang mga gamit ko sa isang sofa at inaya kami sa kusina ng mga ito.
The kitchen and dining are so lit, sobrang lawak iyon at kompleto sa mga gamit. Inilapag ni Dad ang dalang groceries sa islang counter at kinuha ko naman ang dala nitong mga lutong pagkain at inilapag sa dining table.
Nasabi ko sa chat na kami ang magdadala ng pananghalian para hindi na magprepare si Dwayne pero may prinapare pa rin itong mga desserts.
Wala sa planong sasabay sa amin si Dad pero ito pa ang naunang umupo sa dining table ng makita ang mga desserts at inaya pa kaming dalawa ni Dwayne.
Napangiwi ako kay Dwayne at napatawa naman ito sa reaksiyon ko. Wala naman kaming nagawa kundi pagsaluhan ang mga nakahain para sa aming early lunch, kaka-11 pa lang kasi ng makapunta kami dito.
I thought it will be awkward having Dwayne and Dad in the same table, oh how wrong I was. Mukha nga akong naging hangin at itong dalawa lang ang nag-uusap habang kumakain, Edi kayo na yung close!
Nagpakwento pa ang loko about sa biological parents nito kay Dad na agad din namang nagkwento about sa college days nila, dahil doon daw nito nakilala ang mga magulang ni Dwayne.
"Really Tito? Daddy is a dork?" Tanong ni Dwayne na patawa-tawa pa.
"Yes, he is, nagulat nga ako nung nainvite ako sa kasal nila ng Mommy mo, inaasar ko lang yung dalawang yun tapos nagkatuluyan pala talaga. And stop calling me Tito, nakakatanda."
"You're old Dad." Hindi ko napigilang sabihin.
"Ay andiyan ka pala Princess." Sabi nito at kinusilapan pa ako na ikinatawa ni Dwayne.
"Call me Papa, para tatlo na ang Dad mo." Biglang sabi ni Dad at dahil umiinom ko, nasamid ako. Agad ko namang tinakpan ng table napkin ang ilong at bibig ko.
"Dad!" Suway ko dito na nauubo pa din.
Habang si Dwayne naman ay pangisi ngisi.
"What? He is my son-in-law." Sabi ni Dad at si Dwayne naman ay nasamid din sa sariling laway nito.
"Dad, let me court Eunice first." Sabi ni Dwayne na nagpanganga sa akin. Did he really call my Dad 'Dad'?
"Aw, such a sweet talker, okay then, kung papayag si Princess." Komento ni Dad na parang kinikilig pa.
Hindi ko naman napigilan ang mapafacepalm hindi dahil sa kanilang dalawa kung hindi dahil sa sarili ko. Mas nagulat pa talaga ako sa isipang tinawag ni Dwayne na Dad ang Dad ko kaysa sa ideyang liligawan niya ako. Self, pahalata ka naman eh, gusto mo lang talagang magpaligaw.
Natahimik naman ako habang ang dalawa ay nagpatuloy sa pagkwekwentuhan. Kumain na lang ako ng dessert na prinepare ni Dwayne. Infairness masarap ah!
Ilang minuto pa ang ginugol namin sa dining table hanggang matapos namin ang pagkain at patuloy pa din ang usapan ng dalawa kahit nakalipat na kami sa living room ng bahay.
Kung hindi pa ata nakatanggap ng text si Dad galing kay Mama ay hindi na matatapos ang pakikipagdaldalan nito kay Dwayne.
Inihatid namin si Dad sa labas, nagpasalamat ulit dito si Dwayne at hinalikan naman ako ni Dad sa noo bago sumakay sa kotse at nagmaneho pauwi.
Nang natapos naming isara ang gate ay doon lang ako kinausap ni Dwayne.
"So, what do you think?" Sabi nito.
"About what?" Tanong ko dito habang naguguluhan.
"About me courting you." Napahampas naman ako sa braso nitong matigas, Ako ang nasaktan girl. At nagpatiuna ng pumasok sa kabahayan nila para itago ang pamumula ng pisngi ko.
Damn, this is not a good idea.
~Gab~
BINABASA MO ANG
A Pandemic Love Story- COMPLETED
RomanceI was bored during the pandemic year 2020, we're not allowed to roam outside our houses. Though, we're thankful that we're safe and stable. Then there's a random guy who sent me 'Hi' and that's when my love story started. (Language used: Filipino, E...