Nagising ako sa nagpapanic na boses ni Dad.
"What?!?"
"Sir, nagcontact tracing na po kami sa nagpositive na nurse dito sa hospital, kailangan ninyo rin pong mag paswab test, since na asikaso po ang anak niyo ng nurse." Sabi ng isang nurse na nakaPPE.
"How did it happen?" Tanong ni Dad sa kalmadong boses.
"Sir, the nurse got the virus in her residence, magproceed na lang po tayo sa procedure, we need you to participate in contact tracing. But for this moment, i-swaswab test po muna namin kayo." Sabi ng nurse, at may tinawag itong mga nurse na may mga dalang tools at equipment.
Nang lumingon sa gawi ko si Dad, ay binigyan ako nito ng malungkot na ngiti.
I mouthed 'We'll be okay.' At sinuklian din ang ngiti nito.
The swab test procedure took few minutes, at pagkatapos niyon ay ininterview na kami para sa contact tracing,mula sa grab food delivery man, nurses at yung doctor.
It's tiring, maghihitay pa daw kami ng 3 days para malaman yung result at ini-isolate na kami sa mga ibang pasyente.
Hindi na kami lumalabas si Dad at inaasikaso kami parati ng mga nurse, hindi pwedeng ipostpone yung treatment ko kaya nagtitreatment parin ako, habang naghihintay. Nagsorry ako kay Dra. Manalo, nasabi ko din iyon kay Dwayne.
At tuwing nagtitreatment ako naka-PPE na rin si Dra., pati ito ay nakaisolate at hindi nito ako ipinasa sa ibang doctor.
*
3 days after nalaman na namin ang result, nagpapasalamat kami sa Diyos dahil negative ang resulta namin ni Dad pero kailangan pa rin naming mag-isolate ng 14 days.
Magkahiwalay kami ni Dad at phone lang ang gamit namin para macontact namin ang isa't-isa pati narin sa bahay.
Agad kong chinat si Dwayne para ipaalam ang magandang balita dito kanina, siya nga yung una kong chinat bago ang pamilya ko pero hindi pa rin siya nagrereply hanggang ngayon. 3 hours na ang nakadaan.
'Dwayne?' Chat ko ulit dito.
Nakaonline naman ito pero hindi niya pa din nasiseen ang mga messages ko.
'Okay ka lang ba?' Chat ko ulit dito.
Nang hindi ako makatiis ay tumawag na ako dito. Thankfully, sinagot niya iyon.
"H-hello?" Base sa tono nito, halatang balisa ito.
"Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" Malumanay na tanong ko dito.
"Ahm, Mom tested p-positive, Eunice." Sabi nito at narinig ko ang mahinang paghikbi nito.
"I d-don't want to lose another parent Eunice, I d-don't want, I can't take it." Sabi pa nito na nagpapanic.
"Hey, everything's gonna be fine, she will be fine, she'll get through this. Don't worry, your mom is a strong woman Dwayne, she'll get through this." Sabi ko.
"Ayaw ko ng mag-isa Eunice, ayokong maging mag-isa."
"Your Mom and your Dad is still with you Dwayne." Sabi kong may diin dito.
"They both tested positive Eunice, Mom and Dad tested positive."
Parang may bombang inilapag si Dwayne sa harapan ko ng marinig ko iyon. His parents tested positive? Hindi malabong hindi mangyari iyon dahil magkasama ang dalawa at pareho pa itong nagtatrabaho sa parehong hospital.
"I--, Dwayne, Everything will be okay. Okay? You'll be fine." Hindi ko alam ang sasabihin dito. Dahil kahit ako ang nasa sitwasyon nito tiyak na masasaktan ako.
"Ayokong mag-isa Eunice, hindi ko na kakayaning mag-isa." Sabi nito na parang nawawalan na ng pag-asa.
"Then, I'll be with you."
"W-what?"
"Pag nakarecover na ako, sasamahan kita pangako." Sabi ko ng may diin. Pangako sasamahan kita.
Yun ang pinanghahawakan ko habang nagtitreatment ako, nasabi ko din iyon kay Dad at Mama, pati na rin kay Kuya, everyone agreed, dahil may tiwala naman sila sa amin ni Dwayne.
Dahil narin sa determinasyon, gumaling ako kasabay ng pagtapos ng quarantine days ko. Ibang doctor ang umikaso sa akin ng naging positive ang result ni Dra. Manalo dahil hindi na siya pinayagan dahil delikado. At hanggang ngayon hindi ko na ito nakakausap pa. Nalaman ko din na may direct contact sila ng kanyang asawa sa nurse na unang nagkaroon ng virus at dahil doon nabawasan ang guilt sa dibdib ko. Nung una kasi, sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanila pero kahit nalaman kong hindi ako ang dahilan kung bakit sila nahawa, I still feel sorry for them, pati kay Dwayne.
Parati akong tumatawag dito noong mga nakaraang araw at buti na lang ay sinasagot ako nito, feeling ko kasi pinapabayaan nito ang sarili nito dahil sa nalaman. Parati ko itong pinapaalalahanan, actually parang inuutusan ko na nga ito sa mga dapat gawin nito para magpatuloy ang buhay nito. Nakakausap nito ang mga magulang nito pero lalo lang itong nag-aalala para sa mga ito.
Nagpaswab test ulit kami ni Dad nung 14th day namin dito at maghihintay na lang kami ng tatlo pang araw bago malaman ang resulta at kung maayos naman ay uuwi na rin kami sa wakas.
Sinimulan ko na rin ang isa-isahin ang pag-aayos ng mga gamit ko sa kwartong inuukupuhan ko, bilin na din ni Dad, para ready na din kaming umalis kung maayos na ang lahat, tatlong araw lang akong magstestay ulit sa bahay para makasama ko naman sila Mama at Kuya, pagkatapos ay mag-stestay ako sa bahay ni Dwayne hanggang gumaling ang mga magulang nito.
Parang bumilis ang oras dahil pagkagising ko, namalayan ko nalang na ibinabalita ang pangalawang swab test ko. Pareho kaming nag negative ni Dad. At sa araw din na iyon ay umalis na din kami ni Dad, sinundo kami ni Kuya dahil ito din ang naghatid sa amin noong pinunta ako sa hospital.
Si Dad ang nagmaneho nito at pareho kaming umupo ni Kuya sa backseat na kapit ng kapit sa akin. Habang si Dad naman ay nakanguso na parang bata dahil nagmukha daw itong family driver namin.
"Kuya, c'mon, naiinitan na ako. Let go, will you." Sabi ko dito na halata na ang pagkairita.
"Eh, namiss ka nga kita Princess, tapos tatlong araw lang kitang makikita ulit kasi sasamahan mo pa yung boyfriend mo." Sabi nito na may panguso-nguso pa.
"Kuya space between the words, boy 'space' friend, wag kang OA." Depensa ko dito.
"Ganon na din yon, diba Dad?" Tanong nito at sinalubong ang tingin ni Dad sa rearview mirror, na umirap lang.
"Di ko kayo kilala." Sabi pa nito na nagtatampo.
"Dad, wag ka ng magtampo, daan tayo sa drive thru, ililibre kita ng happy meal." Sabi ni Kuya. Hindi biro yun, yun talaga ang nagpapasaya kay Dad. -_-++
Nakita ko naman ang pinipigilang ngiti ni Dad kahit nakanguso pa rin sa salamin. Napailing na lang ako at pinipigilan ding matawa, baka magtampo pa ito lalo. Hinilig ko nalang ang ulo ko sa balikat ni Kuya at nagpahinga.
~Gab~
BINABASA MO ANG
A Pandemic Love Story- COMPLETED
RomanceI was bored during the pandemic year 2020, we're not allowed to roam outside our houses. Though, we're thankful that we're safe and stable. Then there's a random guy who sent me 'Hi' and that's when my love story started. (Language used: Filipino, E...