A/N: This chapter onward will be told in a third POV unless told otherwise.
(Character inspiration for a werewolf type Nasvar. From google.com)
In front of Kean is a salivating Nasvar, the monster is lowly growling at him, baring its fangs that's prepared to snap and devour his face. Mabuti na lamang at agad siyang nakahuma, naiatras niya ng buong pwersa ang katawan kaya't hindi umabot ang bibig ng Nasvar sa kaniya. Hindi niya natantiya ang aatrasan kaya nadulas siya patihaya dahilan para maalerto ang ibang mga Nasvar, sabay-sabay na umangil ang mga ito at pumunta sa direksiyon niya ngunit bago ito makaabot ay nagliparan ang mga katawan nito at humampas sa mga puno habang ang iba naman ay pinuluputan ng mga ugat ng puno na tumubo mula sa ilalim ng lupa, lumingon si Kean sa kinaroroonan ni Niklaus at Ramses.
"Thanks for saving my face..." Kean exclaimed thankfully as he touched his face.
Tumayo kaagad si Kean bago dali-daling lumapit kay Niklaus. His brother stood in front of him protectively. Ready to finish anyone who would harm anyone from his family.
Maya-maya lang ay isa-isa nang nagsipagtayuan ang mga Nasvar habang iniiling ang mga ulo, marahil ay upang tuluyang alisin ang pagkahilo. Well, they've taken quite a hit and they're pissed because of that. The monsters are breathing heavily and growling at the same time.
Naghiwa-hiwalay ng takbo ang mga Nasvar na mukhang nais silang palibutan, mabibilis at kalkulado ang kilos ng mga ito. Tumalon ang isang Nasvar patungo kay Niklaus na walang kahirap-hirap niyang iniitsa sa ere gamit ang kumpas ng isang kamay ngunit sunod-sunod naman siyang sinugod ng iba pang mga halimaw, si Ramses naman ay nilundag sa likuran ng isang Nasvar kaya hindi ito nakadepensa at padapang humandusay sa lupa, mabilis naman ang kilos ni Kean at hinawakan ang batok ng Nasvar na pilit inaabot ang leeg ni Ramses para kagatin, the beast was enormous and three times Kean's size, it was also very strong but nothing is stronger than a man who wants to save his brother. Kean gathered his strength and encircled his arms in the beasts neck then pulled on it forcefully. He let out what seemed like a war cry as he snapped its neck before letting it fall limply on the ground.
Nang makatayo si Ramses ay ibinuka nito ang mga palad at itinutok sa lupa, nang maramdaman niyang konektado na siya dito at nakahanda na nitong sundin ang nais niya ay lumingon siya sa nakatatandang kapatid bilang hudyat. Ginamit ni Niklaus ang buong pwersa upang itulos sa kinatatayuan ang limang naglalakihang Nasvar, bakas sa boses ni Niklaus ang hirap sa pagkontrol ng kapangyarihan ngunit sa kabila nito ay nagawa pa rin niyang tuluyang pigilin sa pagkilos ang katawan ng mga halimaw.
Agad namang inutusan ni Ramses ang lupa na magpatubo ng malalaking ugat upang bumalot sa katawan ng mga Nasvar, pumulupot ang mga ugat sa kamay at paa ng mga halimaw dahilan para higit pang hindi makakilos ang mga ito.
BINABASA MO ANG
SVELLAR: The Bravehearts & The Cursed Prince ✔ (TEMPORARILY ON-HOLD)
FantasyA story that revolves around 12 adopted siblings who grew up as normal citizens until they found out that they are reincarnations of celestial beings that were slaughtered hundreds of years ago. After their adoptive Father died, they are thrusted in...