Dumating ang abugado ni Bernard sa Manor makalipas ang mahigit isang linggo upang basahin ang will ng yumaong Braveheart. Tulad ng inaasahan ng lahat ang pamamahala sa Stellar Inc. ay napunta kay Niklaus bilang panganay, ang buong estate na kinalalagakan ng Braveheart Manor ay nakapangalan naman sa magkakapatid, malaki ang iniwang kayamanan ni Bernard na sasapat sa magkakapatid kahit na hindi na ito magtrabaho pa. Matapos ang pagbasa ng last will ni Bernard ay unti-unti nang ibinalik ng magkakapatid ang mga buhay nila sa normal, hindi na rin ulit nagparamdam pa si Owen na hindi na rin nila sigurado kung totoo nga bang nangyari o dala lamang ng hinagpis nila.
Abala na rin naman sila sa mga sumunod na araw. Si Ramses abala sa balak niyang itayong restaurant mula sa pagiging ilang taong Executive Chef sa isang sikat na restaurant sa England. Si Kean naman ay abala sa balak niyang pagpapatayo ng sariling Club sa Maynila. Si Lionel ay bumalik na din sa pagtuturo sa Darwin Oaks University, isang International school kung saan nag-aaral din ang mga nakababatang kapatid niya: Si Prescott ay Engineering student at miyembro din ng swimming team. Si Aldric ay isa namang Mechanical Engineering student dahil sa hilig nito sa mga sasakyan. Si Serena ay isa namang Tourism student. Si Donovan ay nasa ikatlong taon sa kursong Business Management. Si Kara naman ay Interior Design ang hilig. Si Tydal ay may kakaibang interes sa karagatan kaya Marine Biology ang kinuha nito. Si Dustin na bunsong lalaki ay Psychology ang kurso habang ang pinakabata at bunsong babae nilang si Bellarie ay Communication Arts student naman.
Kilala ang magkakapatid sa unibersidad dahil halos lahat sila ay doon nagtapos at tanyag din sila dahil sa pagiging ampon ni Bernard Braveheart isa sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Marami ang naiinggit at naghahangad na mapabilang sa kanilang pamilya. Marami din ang nagsasabing sinuwerte silang maampon dahil sa kakaibang taglay nilang mga kagandahan at kakisigan na hindi nila maitatanggi. Iba ang itsura nila sa karaniwan, mapagkakamalan silang artista o di kaya nama'y mga diwata o bampira dahil ang mga itsura nila ay mababasa mo lamang sa mga libro. Ang kutis nila'y sadya nang makikinis at maging ang kulay nang kanilang mga mata'y kakaiba.
Lumipas ang mga araw hanggang sa namalayan na lang nilang kaarawan na ni Bellarie. Sinubukan nilang maging positibo sa unang kaarawang ipagdiriwang nila na wala ang ama. Pinili nila ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang maliit na salu-salo.
The dining room's light was dimmed and was adorned with several scented candles. There were dishes specially cooked by Ramses and also a cake made by him. The siblings always sat in the order of their age, the head of the table was usually occupied by their Father pero sa pagkakataong ito ay isang maliit na kandila ang nasa dating pwesto nito.
Kasabay ng pag-ihip ni Bellarie sa kandila sa kanyang cake ay ang hudyat ng tuluyang pagbabago ng kanilang mga buhay.
~
Matapos ang selebrasyon ay saglit muna silang nanatili sa salas at nagpalitan ng mga kakatwang mga kwento ng kanilang mga kabataan at hindi maiiwasang mabanggit si Bernard. Hating-gabi na nang maisip nilang magtungo na sa kani-kaniyang mga silid upang magpahinga.
Past
"Aldous! Ako na ang bahala rito, umalis ka na!" Shouted the female donned in a silver metal armour, her long white hair now in a mess, her beautiful face covered in dirt and dried blood, a big gash on her left arm holding a sword.
"Hindi kita pwedeng basta na lang iwan!"
"Ngunit kailangan mong umalis... kailangan ka ng ating mga kapatid... handa na ako, kung anuman ang magaganap ngayong gabi." Inabot ng magandang babaeng may puting buhok ang mukha ng lalaking nagngangalang Aldous at hinagkan ito sa noo.
BINABASA MO ANG
SVELLAR: The Bravehearts & The Cursed Prince ✔ (TEMPORARILY ON-HOLD)
FantastikA story that revolves around 12 adopted siblings who grew up as normal citizens until they found out that they are reincarnations of celestial beings that were slaughtered hundreds of years ago. After their adoptive Father died, they are thrusted in...