Pagkalapag ni Scott sa lupa ay agad bumaba si Kean at ipinasan sa likod si Ramses. Sina Andrik, Lionel at Niklaus naman ay naunang umakyat sa Tree House bitbit ang Iron Cage.
Nagulat pa sila Niklaus at Lionel ng mabungaran ang itsura ni Aldric na balot ng gintong kadena pati na rin ang mga braso ni Serena. Nang makapasok si Kean ay nagulat din ito sa nakita.
"WHAT IN THE WORLD HAPPENED TO YOU?!" Kean exclaimed both worried and horrified.
"OH MY G-- WHAT HAPPENED TO HIM?!" Serena half-shouted almost at the same time as her brother while looking at Ramses.
"He's just sleeping." Sagot ni Kean at tumango naman si Serena.
"What did you do to him Siri?"
"He's fine Kuya Nik, he just stopped breathing."
"WHAT?!"
"ANO?"
"OH SHIII--"
"OH NO!"
Halos magkakapanabay ng reaksyon ni Niklaus, Lionel, Kean at Scott.
"H-hindi iyon ang ibig kong sabihin, I mean he did stop breathing--but I did it to him!" Napatigil sa pagsasalita si Serena. "Okay that didn't come out well."
"Nasa maayos siyang kalagayan Reva, pinatigil lang ni Reiya Emryn ang takbo ng oras ni Aldric pansamantala hanggang sa makabalik kayo, may kinaharap kasi kaming...sitwasyon kanina."
Nakahinga naman ang magkakapatid sa narinig.
"Thanks Owen." Ani Serena.
"You could do that?" Manghang tanong naman ni Scott. Tumango naman si Serena who felt a bit sense of pride.
Binuksan ni Andrik ang kulungan at tuluyang pinalaya ang mga Fii, nang makalabas ang mga ito ay napuno ng liwanag ang silid, para silang napapalibutan ng mga bituin. Lumapit ang pinakamalaking Fii sa kanila na may taglay na pulang liwanag at nagpakilala bilang si Fyon. Nagbigay pugay sa kanila ang buong lupon ng mga Fii bago lumapit kay Aldric.
Owen looked at Serena and told her that she can now release her brother from her protective chain. Serena opened her arms and asked her golden chains to come back to her and let the Fiis do the healing.
Binalot ng mga Fii ang buong katawan ni Aldric at nagpakawala sila ng napakaliwanag na luntiang kulay, nagtagal ito sa loob ng halos limang minuto.
Matapos humupa ang liwanag ay nagkalas-kalas ang mga Fii , nakita nilang tuluyan nang nawala ang lason sa binti nito at bumalik na din sa normal ang kulay ng balat ni Aldric.
Maya-maya pa ay mahinang umungot si Aldric at di nagtagal ay unti-unti nang iminulat ang mga mata. Aldric scanned the whole room still a bit confused, his eyes finally landed and focused on his siblings. He sighed and bawled when he saw Niklaus as he felt immediately safer in his presence.
"Kuya..." He called out.
Agad namang lumapit si Niklaus at ikinulong sa mga bisig ang kapatid. Napalingon si Aldric kay Serena na hindi na mapigil ang pag-iyak, he stretched out his hands and invited his other siblings into a big and warm group hug.
Payapang nakangiti si Aldric ng mapadapo ang tingin niya sa nakatatandang kapatid na si Ramses na nakalungayngay sa isang upuan. Pilit siyang kumalas sa yakap ng mga kapatid at nag-aalalang nagtanong kung anong lagay nito.
"Don't worry...he's not dead." Walang anumang sabi ni Kean habang nakapamaywang ang kabilang kamay.
"Nakatulog lang siya sa pagod. But he's fine." Sabi naman ni Lionel bago masuyong ginulo ang kaniyang buhok.
BINABASA MO ANG
SVELLAR: The Bravehearts & The Cursed Prince ✔ (TEMPORARILY ON-HOLD)
FantasíaA story that revolves around 12 adopted siblings who grew up as normal citizens until they found out that they are reincarnations of celestial beings that were slaughtered hundreds of years ago. After their adoptive Father died, they are thrusted in...