A/N: Owen in his Owl and human form. Photo grabbed from Pinterest.
~
"You've got to be shitting me..." Mura ni Nik habang titig na titig sa ibon.
"Dumating ako tulad ng iyong nais Mahal na Reva at kung tama ang aking hinala dumating na ang itinakdang panahon at wala na ang Yonëk Bernard..."
Hindi makapaniwalang tinitigan ni Nik ang Owl. Nakita niya ang unit-unting paglapit ni Donny sa likod ng ibon habang hawak ang walis. Before his brother could poke the owl curiously the latter spoke to him.
"Kung ako sayo hindi ko gagawin iyan Reva Fieron." Sa gulat ni Donny ay nabitawan nito ang walis.
"P-paano mo nagagawang magsalita?... at tsaka bakit mo tinatawag na Reva ang mga kapatid ko?" Kara asked the owl.
"Dahil lahat kayo ay mga Reva at Reiya, kayo ang hinirang ng buwan at araw, ang tagapagpalaya at ang ipinangakong tagapagligtas... at narito ako ngayon upang tulungan at gabayan kayo upang makamit niyo ang hustisya at mabawi niyo ang dapat ay sa inyo."
"Ano ang ibig mong sabihin? at sino ka ba talaga---No, ano ka ba talaga?"
"Ako ang naatasang maging gabay niyo oras na mawala si Yonëk Bernard."
"Yonëk?" Prescott, fifth of the children finally spoke to the owl with a confused look in his eyes.
"Opo, Reva Evren... paumanhin mga kamahalan, nakikita ko na hindi kayo komportable sa istura ng isang nagsasalitang kwago sa mesa... hayaan niyong ayusin ko ang sitwasyon..." Before they could ask what the owl meant it flew away from the table and landed in front of the fireplace, the Bravehearts were tensed, naghihintay ng susunod na pangyayari o kung kailangan ba nilang umatake upang depensahan ang sarili mula sa.. nagsasalita na ibon. Yumukod ang ibon at unti-unti itong binalot ng kulay abong usok hanggang si hindi na nila ito matanaw, sunod-sunod ang pagsinghap ng mga kapatid at isa-isang kumilos upang akmang protektahan ang mga babaeng kapatid, handa na silang saktan kung ano mang mahiwagang nilalang ang kaharap sa takot na baka ito ay magpalit anyo bilang isang mabangis na hayop ngunit taliwas sa inaasahan, the owl took a human form...a very beautiful man who is standing proud and...naked.
The male Bravehearts immediately covered their sisters' eyes as Lionel growled angrily at the Owl who is now a Man.
"What the Hell?!? Can't you at least put something on!?"
TInabig ni Serena ang kamay ni Ramses na nakatakip sa kaniyang mga mata at sinuyod ng tingin ang hindi alintanang nakalantad na katawan nito. "Well damn, I don't really mind Kuya, he's got all the right stuff in all the right places!"
"SIRI!" Niklaus shouted as he looked for any fabric to give the naked man. Kean quickly went to the bathroom to fetch some robe or a towel at least.
BINABASA MO ANG
SVELLAR: The Bravehearts & The Cursed Prince ✔ (TEMPORARILY ON-HOLD)
FantasyA story that revolves around 12 adopted siblings who grew up as normal citizens until they found out that they are reincarnations of celestial beings that were slaughtered hundreds of years ago. After their adoptive Father died, they are thrusted in...