┌─── ∘°❉°∘ ───┐
"Avis-sala" nauutal at nakangiting bati ni prinsipe Vapper Lohe sa bagong gising na dalaga na kaninay kanyang nakita sa kagubatan, napasaway siya sa sarili dahil sa pagkautal. Nakahiga lamang ang dalaga sa Malapad na kahoy habang pinagmamasdan ang prinsipeng naka-upo sa kanyang gilid at naghihintay ng kanyang sasabihin.
Lumipas na ang ilang segundo ngunit hindi parin nagsasalita ang dalaga't nanatili lamang tumingin tingin sa paligid, kayat nagsalita muli ang prinsipe. "Ano ang iyong pangalan binibini?" Magalang na tanong ng prinsipe ngunit tiningnan lamang muli siya nito. "Binibini?" Tanong nya muli habang nagugulan. "Bakit hindi siya nagsasalita? " Tanong ng prinsipe sa kanyang isipan.
Inosente lamang nakatitig ang dalaga sa naggugulohang mata ng prinsipe. Pinagmasdan nya kung paano kumurap ang mga mata nitong may mahahabang pilik mata.
"Masyado naba'ng maamo ang aking mukha kaya't hindi siya makapagsalita at hindi maialis ang tingin saakin? " namula naman ang mukha ng prinsipe ng maisip iyon, para syang nasisiraan ng bait habang ngumingiti-ngiti.
Bumaba ang tingin ng dalaga sa labi nitong mapupula at nakangisi, tinitigan nya ito ng mariin na siyang mas lalong nagpapula at lapad ng ngiti ng prinsipe, nagugulohan ngunit tila namamangha namang ibinalik muli ang tingin ng dalaga sa mga mata ng kaharap ng mapansin ang pagbago ng ekspresyon nito.
Dahil roon ay naisip ng prinsipe ang kanyang kasalukuyang inasta. "Ano ba ang aking pinaggagawa?'" tanong muli ng prinsipe at napayoko habang minumura ang sarili sa isipan, ilang segundo ay inangat niya ang kanyang ulo sout ang seryusong mukha ngunit ilang sandali lamang nang tingnan niya ang tila nakangiting mata ng dalaga ay sa palagay niyay sa anomang sandali ay muli siyang ngingiti ng malapad. "Binibini" pagtawag pansin muli ng prinsipe sa dalaga habang malapad ang ngiti at gamit ang matamis na boses, sana ay sagotin na siya sa pagkakataong ito.
Ngunit kagaya ng kanina ay hindi parin ito nagsalita at napalitan pa ang ekspresyon nito ng seryuso, parang nahihiya naman at bigong untiting nawawala ang ngiti ng prinsipe dahil sa pinakitang ekspresyon nito. "Maari ka bang magsalita? Ang pangalan ko nga pala ay Vapper Lohe, ngunit maari mo akong tawaging Lohe, upang ika'y hindi mahirapan sa pagtawag, saakin" dugtong niya.
YOU ARE READING
Nabagong Kapalaran | On Going
Fantasy- ❝ 𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒏𝒈𝒈𝒐𝒍 𝒏𝒂 𝒊𝒕𝒊𝒏𝒂𝒌𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒏𝒈𝒍𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒅𝒊𝒍𝒊𝒎𝒂𝒏, 𝒔𝒂𝒑𝒍𝒐𝒕 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒍𝒂𝒃 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒂; 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒂𝒌𝒊, 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒊𝒏𝒐 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒅𝒊𝒍𝒊...