A/N: Kung hindi nyu napansin,pwede ninyung muling basahin ang unang prologo dahil marami akong inayos at iniba roon,maraming salamat
┌─── ∘°❉°∘ ───┐
Ang panahong simula ng pahukay sa nakaraan ay isang hindi inaasahang pangyayare ng isang Sangre.
Nagtataasang puno, nakakapangambang tunog, kakaibang pakiramdam, madidilim na bahagi ng kagubatang kinalalagyan, mga nakakatakot at umalingawngaw na ungol ng mga pashnea. Malamig. May paparating na lamig sa kanyang kinaroroonan na alam niyang hindi pangkaraniwang. Hinanda ang kanyang sarili, hinawakan ng mahigpit ang kanyang sandata, pinakiramdaman kung nasaan ang nilalaang. Dahang-dahang lumingon sa kanan, lumingon sa kaliwa. Wala roon ang kanyang hinahanap.
Papalapit ng papalapit kaya palamig ng palamig
Hindi na siya gumalaw sapagkat alam na niya kung nasaan ang hinahanap na nilalang na siyang dahilan kung bakit lumalamig.
MASAMANG BALAK
Walang pasabing pinatamaan sya nito ng kapangyarihan habang siya ay naka talikod ngunit kaagad siyang nakapag evictus papunta sa likod nito. Kasabay ng kanyang paglitaw ay ang pagtutok niya ng kanyang sandata dito.
"Pashnea! Sino ka!?" Galit nyang turan dito habang pinagmamasdan ang nilalang na nakatalikod sakanya ngayon. Ang lupang tinatapakan nito ay naging yelo at gumagapang ang kapanyarihang yelo nito sa mga nadaanang puno. Nakita nya ang kapangyarihang binato nito sakanya kanina, tumama ito sa isang halaman at ito ay nabalutan ng yelo. Natigil ang kanyang ginagawa ng ito ay magsalita.
YOU ARE READING
Nabagong Kapalaran | On Going
Fantasía- ❝ 𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒏𝒈𝒈𝒐𝒍 𝒏𝒂 𝒊𝒕𝒊𝒏𝒂𝒌𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒏𝒈𝒍𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒅𝒊𝒍𝒊𝒎𝒂𝒏, 𝒔𝒂𝒑𝒍𝒐𝒕 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒍𝒂𝒃 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒂; 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒂𝒌𝒊, 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒊𝒏𝒐 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒅𝒊𝒍𝒊...