01┊    𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨

83 5 34
                                    

┌─── ∘°❉°∘ ───┐

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

┌─── ∘°❉°∘ ───┐


"Ina!" Malakas na sambit ng isang encantada sa kanyang ina na nakatalikod at mayroong kinakausap na mga kawal. Lumingon ang encantadang tinawag, at nasilayan ang nagtatakbong anak papunta sa kanya, kaagad namang nawala ang pagod at tila natunaw ang puso nitong nakita ang anak na masaya'ng dumalaw sakanya. "Avisala ina!" Matamis at makulit nitong bati nang ito ay makalapit sa kanya, natawa ito ng bahagya sa inasta ng anak.

"Avisala Mira" bati ng ina pabalik sa kanyang anak na ngumingiti na ngayon ng abot tenga, halata sa mga galaw nito ang pagkasabik na makita at mayakap ang ina. Niyakap ng mahigpit ng ina ang kanyang anak na kaagad namang sinuklian nito habang nakangiti at nakapikit."Kumusta ka aking anak? Maayos ba ang iyong kalusugan? Nagsasanay kaba ng maayos?" Mga tanong ng ina habang nakayakap parin ng mahigpit sa kanyang anak. Ngumiti naman ulit ang anak matapos marinig iyon.

"Maayos na maayos po ang lahat ina" hinigpitan pa ng ina ang yakap niya at kumalas na, diretso niyang tinitigan ang mga masasayang mata nito.

"Paano mo naman nasabing maayos ang lahat?" Hindi makapaniwalang tanong sa anak na nakatitig rin sa mga mata ng kanyang ina.

"Malalaman nyo po.... kung sasama kayo saakin" mapaglarong sabi nito sa kanyang ina habang may pa kindat kindat pa, natawa ulit ang kanyang ina dahil dito.

"Nako, sinasabi mo lang iyan kase gusto mo nanamang iwanan ko ang aking mga gawain upang makasama mo ulit ako. Poltre aking anak, ngunit huwag muna ngayon" sabi nito habang hinahaplos ang pisngi ng anak. Unti-unti namang naglaho ang ngiti matapos marinig iyon, bagsak balikat itong yumoko at pinahalatang nalungkot, nahabag naman ang damdamin ng ina ng makita iyon, ngunit hindi maaaring pagbigyan ang anak sa ngayon. "Maraming aasikasohin ang iyong inang hara mahal na diwani, kaya hindi mo na muna siya madadala sa iyong mga ka--"

" Inaa... pagbigyan mona ako, minsan lang naman eh, atsaka matagal na tayong hindi nagkasama ng matagal" putol ng anak sa idudugtong ng kanyang ina habang niyuyugyug ang isang balikat nito at tinignan ng nagmamakaawang tingin ang ina.

"Ngunit palagi naman kitang pinagbibigyang sumama sayo at samahang mamasyal?" Ngumuso naman ang anak dahil dun.

" Pumayag kana ina.." nagmamakaawang pakiusap nito

"Hindi maaari" kalmado at nakangiting sabi ng ina sa anak

"Nagmamakaawa ako" pakiusap niya ulit sabay yakap sa isang balikat at angat ng ulo nito upang tingnan muli ng nagmamakaawang tingin ang ina

"Hindi maaari" sagot muli ng ina dito

"Maawa ka mahal kong hara"

"Hindi maaari mahal kong diwani"

Pabilis ng pabilis ang pagbitaw nila ng mga salita. Ngunit kahit anong sabihin ng anak ay hindi nito pinapakinggan ng ina. "Hindi mo'ba ako gustong kasama? "

Nabagong Kapalaran | On GoingWhere stories live. Discover now