03┊    𝐛𝐢𝐥𝐨𝐠 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲

54 2 8
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


┌─── ∘°❉°∘ ───┐

"Flori." Kinakabahang tugon ni Yranya sa prinsesang nakatayo sa pinto na ngayon ay gulat na gulat na nakatitig sakanya.

"Sino ang iyong kausap? At sino ang iyong kasama rito?" Nagtataka at gulat paring tanong ni prinsesa Flori.

"W-wala F-flori" nauutal niyang sagot. Pinagmasdan siya ng pinsan ng ilang segundo matapos sabihin iyon.

"May tinatago ka'ba saakin?"

"Bakit mo naman iyan natanong?" Tanong nya pabalik sa pinsan habang nanatili paring nakalingon at nakaupo sa sahig na gilid ng kanyang kama.

"Kilala kita.. Yranya" sagot ni Flori habang itinas ang isang kilay.

"Wala naman talaga, wala akong kasama at wala akong kausap" inosenteng sagot ni Yranya, ngunit hindi parin nagbabago ang ekprisyon ng nagdududang pinsan.  "Totoo ang aking sagot Flori." Pagkumbinsi nya sa pinsan habang pasimpleng inabot ang librong nasa ibabang lalagyan ng mga libro na s'yang katabi lang rin nya.

Nagpakawala siya ng buntong hininga kasabay nyang makuha ang libro.

"Marahil ay madami kang iniisip kaya kung ano-ano nalamang ang iyong naiisip. Naiintindihan ko iyon, lalo na ngayong hindi kayo magkasundo ng iyong ila, ngunit totoong wala akong kausap at kasama, nagbabasa lamang ako ng libro" pagsisinungaling nyang muli habang ipinakita ang libro na kaninay kinuha sa lalagyan. (ila- lola)

Bumalik naman sa normal ang mukha ni prinsesa Flori matapos magpaliwanag ni Yranya. "Marahil nga." sabi nya na medyo may pagdududang boses.

" Wag kanang mag-isip ng kung ano-ano at lumapit nalamang dito, may ipapakita akong libro saiyo at tiyak na magugustuhan mo dahil tungkol ito sa mga ibong nakatira sa kagubatang Hysionxa, hindi ba't naghahanap ka ng ganito noong nakaraang buwan dahil paborito ito ng ating namayapang ashti?" Pag-iiba ni Yranya sa usapan, lumapit ng dahan dahan si Flori habang pasimple paring nag-dududa at tumingin tingin sa mata ng pinsan na ngayon ay nakangiting tinapik-tapik ang gilid na ang ibig sabihin ay doon maaaring umupo. "Alam mo, mas mabuting kayo ay magkaayos na ng iyong ila" pag bibigay ng opinyon ni Yranya habang inaabot ang mga libro, lumingon siya sa kanyang gilid nang mapansing tuluyan ng nakaupo ang pinsan kaya't nagkasalubong ang kanilang mga tingin.

Natigilan naman sya nang makita ang ekpresyon at tingin ng kanyang pinsan. "Narinig nya kaya'ng may kausap ako dito kanina?"  Nag-aalalang sabi ni Yranya sa kanyang isip habang nakatitig parin sa mga mata ng pinsan na ngayon ay seryusong nakatitig sakanya. "Anong problema Flori?" Hindi nya parin pinapahalata na sya ay nag-sisinungaling upang makasigurado.

"Tila ikaw ata ang maraming iniisip Yranya" mahinhin ngunit may halong sarkastikong sabi ni Flori atsaka ngumiti ng tipid.

Natigilan naman muli si Yranya atsaka inilipat ang tingin sa gilid ng pinsan atsaka tumawa ng pagak bago muling ibalik ang tingin sa pinsan "Ano ang iyong ibig sabihin Flori? " Natatawa niyang tanong sa pinsan

Nabagong Kapalaran | On GoingWhere stories live. Discover now