Chapter Seven

7.5K 212 10
                                    

LEXEL is silent for the whole time. Pagkatapos ng kasal nila ay dumiretso agad sila sa reception. Hindi siya pana'y daldal gaya ng 'asawa' niya na ganadong ganado at hindi mapuknat ang ngiti sa labi.

She was shocked ng makita niya itonsa dulo ng altar. She can't believe na magkikita pa silang muli ng lalaki at lalong hindi niya alam na ito ang ipapakasal sa kanya!

Napaigtad si Lexel ng may malapad na kamay ang humaplos sa likod niya, patungo sa gilid ng kanyang bewang at doon pumirmi.

Kunot noo niyang binalingan ang salarin at taas kilay na tiningnan ito. "What are you doing?" Pagtataray niya.

Bumaling naman sa kanya si Blake at ngumisi. "Holding my gorgeous wife, why? I have the right to hold you now. Because you are mine. You are my wife. I own you, your body, heart and all."

"You could own my body but you can't never own my heart asshole. Wag mong kakalimutan na kaya tayo kinasal dahil pinagkasundo tayo. Don't assume to much my dear husband, malay mo buwan mula ngayon annulled na tayo." Aniya habang nakangisi rin kahit ang totoo ay nanghihina na ang mga tuhod niya habang nakatitig sa mukha nito.

Agad namang nagdilim ang mukha ni Blake sa narinig. Nagtagis ang mga bagang nito at humigpit ang hawak sa bewang niya. Ngunit maya maya ay muling sumilay ang malademonyong ngisi sa labi nito.

"Don't hope that you can escape again. I woud never let that shit happen. Sisiguraduhin kong hindi ka mawawalan ng bisa ang kasal natin. Hindi rin ako papayag na magkita pa kayo ng lalaki."

"Lalaki ko?" Natatawang ani Lexel sa tinuran ni Blake.

"Yes. The one who's driving the red car when you run away for the second time." Nagtatagis bagang na sagot ni Blake.

Naiiling at napangisi naman si Lexel sa isipan. 'He must be pertaining Xander.' Aniya sa isipan.

"I love him that's why. He is important. Very very important person in my life. Asawa lang kita sa papel pero hindi kita gusto o magugustuhan kailanman." Mapang-uyam na mungkahi niya. Mas lalo lang nagdilim ang mukha nito sa sagot. Halos marinig niya na ang banggaan ng ngipin nito dahil panay tagis ito ng bagang. Kuyom din ang isang palad nito at sobrang higpit naman ng hawak ng isa sa kanyang bewang.

"I won't let you see him again."

"You can't stop me. You have no right to decide who I want to see, to talk or even date."

"YOU. ARE. MY. WIFE. That title give the whole right to own you, to control you, to have right on you woman."

"The get lost and don't bother. Dahil kahit asawa mo ako hindi mo ako mapapasunod. Do you know why? Dahil kahit ang mga magulang ko suko sa katigasan ng ulo ko, kaya nga ako pinakasal sayo eh. Kaya wag ka ng mag-abala, tatanda ka lang ng maaga." Sagot niya at marahas na inalis ang palad nitong nakahawak sa bewang niya.

Inis na tiningnan niya naman ito ng muli nitong ibabalik ang palad sa bewang niya. Hindi ito sumagot pang muli. Ngunit alam niyang galit ito base na rin sa masamang tingin na pinupukol nito sa kanya at sa nagtatagis nitong bagang.

'Tangina! Kahit galit gwapo pa rin.' Komento niya sa isipan.

Huminga siya ng malalim at matapang na tiningnan ito sa mata. "Let go. I'm going to to the bathroom, yah know?" Masungit na sabi niya.

"I'll accompany you-"

"Hindi ako lumpo. May paa, katawan at mata ako. Alam ko kung nasaan ang banyo kaya hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino, lalo na ng tulong mo."

"Fine. Be right back at 5 minutes or else papasukin kita sa banyo."

Napapastikuhang tiningnan niya ito. "5 minutes? Are you out of your mind? Mag rretouch pa ako noh!"

"There's no need to retouch. You are very much pretty with or without make up. Kahit pa nga magulo ang buhok mo, kalat ang make up ay maganda ka pa rin. Lalo na paghubad, maganda na, masarap pa."

"Gago!" Inis na bulyaw niya rito na tinawan lang ng ni Blake.

Nagmamartsang naglakad si Lexel palayo sa asawa. Nakasimangot na tinungo niya ang banyo at doon ay inis na humarap sa salamin.

"Grhh! Nakakainis!" Inis na tili at nagpapadyak.

Napabaling naman siya sa pinto ng banyo ng marinig ang sunod sunod na katok mula roon.

"Sino yan?" Tanong niya.

"It's me and Xander sis. Let us in." Dinig niyang pasigaw na sagot ni Ashley mula sa labas. Agad niya namang binuksan ang pinto ng banyo at pinapasok ang dalawa.

"Anong nangyare sayo? Bakit ka nakasimangot jan?" Tanong ni Ashley sa kanya.

"Because my husband is an asshole."

"Gaga ka! Ang yummy nga ng asawa mo. Ang gwapo, ang matcho at girl! Ang mga muscle at ugat naghihimutok sa kanyang mga braso feeling ko. Tapos ang hotdog niya extra jumbo pa ata dahil ang laki ng bakat!" Impit na tili ni Xander dahilan para mapangiwi silang dalawa ni Ashley.

"Kadiri ka bakla! Siguro kanina mo pa tinitingnan yung 'extra jumbo' ng asawa ni Xel. Maghunos dili ka jan. May asawa na ang tao kaya tigilan mo yang ilusyon mo Xander." Mataray na ani ni Ashley.

"Gaga Xandra ang pangalan ko-"

"Hindi pa gabi bakla." Singit naman ni Lexel.

"Kahit na! Basta kapag tayo tayo lang its Xandra not Xander. That's so eww!" Maarteng ani nito at umakto pang nasusuka.

Nagkatinginan na lang sina Ashley at Lexel at sabay na pinaikot ang mata sa kaartehan ng kaibigan. Talo pa nito ang totoong babae kung mag-inarte.

"Manahimik ka na nga jan bakla. Anyway sis, what happened? We're worried ng umalis ka dun sa table niyong mag-asawa. We saw the glare and whispers. Nag-aaway ba kayo?" Kuryosong tanong ni Ashley.

Tiningan niya ang dalawa at huminga ng malalim. Nagsimula na siyang magkwento sa mga ito tungkol sa nangyari. Mula sa umpisa maging ang naging sagutan nila. Si Ashley ay seryosong nakikinig habang si Xander naman ay parang sinisilaban ang pwet sa kakatili. Good thing walang tao sa bathroom at malaki ito. Semi-sound proof din kaya alam niyang hindi sila maririnig ng nasa labas lalo na at naka lock ang pinto.

"Oh my gosh sweety babe! You mean nakita mo na ang kanyang extra jumbo hotdog?!"

Nasapo na lang nilang pareho ni Ashley ang noo. Wala talagang matinong sagot ang kaibigan nila kapag ang usapan ay lalaki at 'jumbo hotdog'. Parang nakainom lagi ito ng energy drink at lumamon ng sandamakmak na chocolate sa sobrang hyper.

"Don't mind him. Anyway, let's go. Baka hinahanap na tayo roon." Mungkahi ni Ashley

Tumango naman siya at humawak sa braso ni Xander na agad naman siyang inakbayan.

"I hate you, yah know? Kita mong namomroblema ako tapos ikaw puro ka kalokohan." Pagtatampo niya.

"Sorry na sweety babe, can't help. Kasi naman eh! Ay basta! Go with a flow, just be yourself lang, always remember na nandito lang kami ni Ashley okay? We're just one call away."

Nakangiting tumango naman si Lexel sa sinabi ng kaibigan. Nakayakap siya sa bewang nito habang naglalakad patungo sa pinto ng banyo habang si Xander naman ay nakaakbay pa rin. Si Ashley na ang nagbukas ng pinto para sa kanila. Lahat sila ay napako sa kanya-kanyang kinatatayuan ng makita sa labas ng pinto si Blake na madilim ang mukha at nagtatagis ang bagang na nakatingin sa kanila. Lalo na sa kanya at sa mga braso ni Xander na nakaakbay sa kanya.

'Oh-oh! I think I'm dead.' Aniya sa isipan.

Mafia Series 5: Blake Nixon Wartter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon