Chapter Eighteen

5.2K 155 3
                                    

MASAYANG naglalakad patungo sa loob ng building na kanyang pinapasukan si Lexel. Kanina kasi paggising niya ay naabutan niya ang asawa na nagluluto ng almusal para sa kanya. Ang akala nga niya ay hindi na naman niya ito maabutan dahil kailangan nitong pumasok ng maaga but Blake says "Your are my wife and you are on top of my priorities." Ang aga-aga ay kinikilig siya sa asawa. That's why she can't help it but to smile hanggang sa makarating siya sa palapag ng lamesa niya.

Napataas ang kilay niya ng mapansin bukas ang ilaw sa loob ng opisina ng amo niyang higad. Salamin lang naman ang harang and some blinds kaya makikita mo kung bukas ang ilaw sa loob at kung may tao. At tama nga siya, dahil ilang minuto ng makaupo siya sa kinauupuan ay lumabas ang higad niyang amo.

"Good morning ma'am." Magalang na bati niya habang nakangiti ng pilit, kahit sa kaloob-looban niya ay pinapatay niya ang babae.

Isang plastik na ngiti rin ang ipinakita nito sa kanya at tumango. "Good morning too Lexel, you look radiant today. Ang blooming mo." Ani nito sa kanya.

Lihim siyang ngumisi bago sumagot. "Well, ganun po siguro kapag may asawa kang maalaga at maharot...araw at gabi kang madidiligan." Wala sana siyang balak sabihin ang huling sinabi ngunit gusto niyang asarin ito, nagtagumpay naman siya ng makita ang inis sa magandang mukha nito.

'Take that bitch! My husband is only mine!' Aniya sa isipan.

Agad din namang nawala ang iritasyon sa mukha ng boss niya at pagkuwa'y ngumisi. "I see...masarap talaga magdilig ang asawa mo n mga bulaklak. Kaya nga maraming nabaliw eh."

Hindi niya mapigilan ang hindi pagtaas ng kilay sa sinabi nito. She knows what this bitch trying to imply here, pero hindi siya magpapaapekto. "Too bad, hindi na mandidilig ng lahat ang asawa ko, gusto niya yung bago niyang dinidiligan ngayon. Nakakaadik daw kasi, nakakabaliw sa bango at sarap. Hindi niya siguro yun nakita sa ibang bulaklak dahil bukod sa malapit na malanta, hindi pa sariwa sa mata...yung masyado ng lunod dahil nadiligan ng sobra ng kung sino-sino?" Kibit balikat niyang sagot at ngumuso.

Muntik na siyang mapahalakhak sa tawa ng makitang nagmamartshang tumalikod sa kanya ang boss niya. Pabalibag na sinarado nito ang pinto ng opisina. Naupo naman siyang muli sa kanyang upuan at huminga ng malalim. Hindi niya hahayaang maapektuhan siya ng nakaraan ng asawa. Blake loves her. She knows that her husband will never ever cheat on her. His flings way back will stay on his past only. Nakaraan na iyon ng asawa at wala na siyang magagawa roon.



Hindi napansin ni Lexel ang oras habang nakaharap sa laptop niya at seryosong nagtratrabaho. Gusto na niya iyong matapos dahil gusto niyang magbakasyon kahit sandali. Uuwi ang nakatatanda niyang kapatid sa susunod na linggo para sa birthday niya. Well, she is the only princess in the family, spoiled but not a brat anymore. She is mature now, she is sure of that. Excited na siyang makitang ang mga nakatatandang kapatid na lalaki. Dati ay inaya siya ng mga ito na sumama sa kanila sa London at doon tumira kasama nito. But she refused, maliban sa nahihiya siya sa mga asawa nito ay mas gusto niyang manatili sa Pilipinas. Nandito rin ang pamilya at mga kaibigan niya so why leaving right?

Speaking of friends, namiss niya bigla ang best friends niya. Matagal tagal na rin silang hindi nagkikitang tatlo. She miss them already!

With that thought ay agad niyang kinuha ang cellphone at nagtipa. Agad siyang pumunta sa group chat nilang tatlo at nagsend ng mensahe.

To: Sexy Ladies
"Hey! I miss the both of you, let's meet if you two aren't busy."

Then she hit the send button. Wala pang ilang minuto ay naseen na ng mga ito ang message niya at nagreply.

From: Sexy Ladies
Xander Yummy: Sweetybabe! Namiss kita OMG! I'd love to meet the two of you! Hindi ako overtime today, let's go the bar and hunt some yummy guys!!!

Mahina siyang natawa ng mabasa ang reply ni Xander. Napaka talaga ng bakla na ito. Kaya mulat na mulat siya sa mundo ng kaberdihan dahil sa mga ito eh. Pero kahit ganun ay mahal niya naman ang mga ito. Muling bumalik ang tingin niya sa cellphone ng tumunog iyon. It's Ashley!

From: Sexy Ladies
Gorgeous Ashley: @DyosaNgKagandahan himala at nabuhay ka! Akala ko nalumpo ka na dahil sa 'extra jumbo' ng asawa mo eh. @Xander Yummy hoy bakla! Mahiya ka naman! Puro na lang lalaki nasa isip mo, try mo humanap ng tahong wag puro hotdog!

Xander Yummy: Hoy etschusherang feeling @Gorgeous Ashley! FYI, sa hotdog lang ako kakalampag, hindi sa tahong eww!!

Natatawang nagsend siya ng mensahe sa dalawa. Kung hindi niya gagawin iyon ay hindi matitigil ang asaran ng mga ito. God! Miss na niya ito ng sobra.

Me: Calm down you two. Let's meet later at 8pm. Same bar. I am not going to drink, gusto ko lang kayong makita. See you! Mwauh!

She click the send button and log out. Huminga  siya ng malalim at sinipat ang oras sa kanyang relo.

'12:25pm'

Nagpadeliver na lang siya ng pagkain at sa mismong table na lang naglunch. Hindi na siya bumaba dahil gusto na niyang matapos ang trabaho niya.

Saktong alas singko ay nagligpit na siya ng gamit sa lamesa niya. Saktong kalalabas lang ng boss niya sa opisina nito at nakangising nakatingin sa kanya. Kumunot naman ang noo niya dahil dun at hindi na lamang ito pinansin.

Nang matapos siya ay kinuha niya ang cellphone sa bag at tiningnan iyon. Napanguso siya ng wala man lang mensahe galing sa asawa niya.

'Maybe he's busy again.'

She thought. Then she start walking leaving the building.

Saktong 5:30pm ng makarating siya sa bahay nila ni Blake at katulad ng mga nakaraang linggo ay madilim iyon tanda na wala pang tao sa loob. Napabuntong hininga na lamang siya at pumasok sa loob.

She took a bath and change her clothes. She wear her red spaghetti dress na hanggang taas ng tuhod niya ang haba. Pinaresan niya iyon ng black stiletto. Inilugay niya ang mahaba medyo kulutang buhok at nagmake up. Simple make up, hindi na niya kinapalan dahil ayaw niya rin naman. Nang makitang okay na ang hitsura niya ay ngumiti siya sa salamin.

Kumunot ang noo niya ng makitang ala syete na at wala pa rin ang asawa. She check her phone for a message pero wala rin. Hindi kailanman nakalimutan ni Blake na padalhan siya ng mensahe kapag busy ito, kaya nagtataka siya kung bakit wala man lang itong kahit isang text message sa kanya.

"Is he that busy?" Tanong niya sa sarili.

Muli ay napabuntong hininga na lamang siya at nagtipa para magpadala ng mensahe sa asawa.

To: My E.J.H Hubby
"Pupunta ako sa bar. The usual bar na pinupuntahan namin. I decided to meet my friends there to catch up. Nagluto ako ng dinner just in case magutom ka. Uuwi rin ako agad, I won't be late."

When she hit the send button ay umalis na siya ng bahay. Nagmaneho siya patungo sa bar. Nandun na ang dalawang kaibigan at nauna sa kanya. Mas nauna yata si Xander doon para mag boys hunting kuno. Natawa na lamang siya dahil dun.

Nang makarating siya sa bar ay ipinarada niya ang kotse niya. Hindi sinasadyang mapagawi ang tingin niya sa isang madilim na parte ng parke. May nakita siyang dalawang bulto roon. Pamilyar sa kanya ang bulto ng lalaki na nakatalikod sa gawi niya habang corner nito ang isang sexy na babae. Hindi niya makita ang mga mukha nito kaya sa likod na lamang ng lalaki niya ibinaling ang tingin. Napansin niya ang suot na jacket ng lalaki, pamilyar sa kanya iyon, lalo na yung design bandang balikat nito.

Nanlalaki ang mga mata niya ng mapagtantong katulad iyon ng leather jacket ng asawa niya! Muli ay napatingin siya sa design na animo'y nagsisilbing logo ng jacket.

Mabilis niyang ipiniling ang ulo at nanghihinang napaatras. Baka nagkataon lang! Impossibe!

Pero ang lahat ng pagtanggi niya sa isipan ay nawasak ng hindi sinasadyang tumagilid ang lalaki dahil para makita niya ang mukha nito maging ang kasama nitong babae. Nanghihina ang mga tuhod niya at mahigpit na napahawak sa susi ng sasakyan sa kanyang kamay.

Ang lalaking kanina lang nakatalikod sa kanya ay walang iba kundi si Blake...ang asawa niya at ang babae na kanina lang corner nito ay walang iba kundi ang boss niya.

"No..." mahiang aniya bago isa isang maglaglagan ang mga luha sa kanyang mata.

Mafia Series 5: Blake Nixon Wartter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon