Chapter Twenty Three

5.1K 150 6
                                    

"PWEDE MO SIYA LAPITAN." Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. It's Cole. Umismid lang ako sa sinabi niya at binalik ang tingin sa harapan.

Sa loob ng isang kilalang restaurant ay masayang kumakain at nakikipag-kwentuhan ang asawa sa isang lalaki. Iyon ang lalaking palaging kasama nito kahit saan magpunta ang asawa. Noong araw na natanggap niya ang annulment paper, ay yun din ang araw na dumating ang lalaking kasama nito. Pulang buhok, tsa! Mukhang talisaying manok ang mokong akala mo gwapo.

Mahigpit na napahawak siya sa manibela ng sasakyan ng makita niyang hinawakan ng lalaking mukhang manok ang gilid ng labi ni Daine. May papunas punas pang nalalaman, may tissue naman. Tsk!

Napipikang napalingon siya dalawang asungot sa likod niya ng makitang para lamang itong nanonood ng sine. Nasa loob kami ng sasakyan ko ngayon. It supposedly me only pero ang mga gago baka raw mag suicide ako bigla dahil sa lungkot kaya naman palagi silang nakabuntot sa akin. Mga bwesit!

"Isang buwan pa lang ang nakakalipas pero mukhang pinagpalit ka na ng bebe mo." Singit naman ni Andrei. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Drei, gusto kasi maging bayani ni sleeping handsome. Para sa kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na bebe, magpapakalayo siya." Cole said habang kumakain ng popcorn sa back seat.

"Lumayo? Tungaw ka ba? Baka stalkin kamo bebe niya hindi lumayo." Andrei.

"Anong tungaw?! Baka ikaw yung tungaw na gago ka! Palibhasa 'di ka crush ng crush mo." Cole.

Sinamaan naman ng tingin ni Andrei si Cole at binato ito ng mineral water.

"Gago! Akala mo crush ka rin ng crush mo? Tungaw! Ni hindi nga nun alam na nag eexist ka!" Ngisi ni Andrei. Sinamaan naman siya ng tingin ni Cole at nagsimula ng magbatuhan ng kung ano ano sa backseat.

Napatiim ang bagang niya sa inis at mabilis na inapakan ang gas. Nawala sa balance ang dalawa dahilan para magkauntugan ito sa likod. Nang makita niyang aangal ang mga ito at dali-dali niyang inapakan ang preno dahilan para mapasubsob ang mga ito.

"Oh? Anong ginagawa niyo jan? Hinahalikan niyo sahig ng sasakyan ko?" Nakangisi niyang tanong sa dalawa.

"Isang ulit pa Wartter, tatawagan namin si Lexel at sasabihing stalker ka niya-" Cole

"At patay na patay ka pa rin sa kanya." Andrei

"Sasabihin din namin na hindi mo pa pinipermahan ang annulment paper niyo na pinadala niya." Cole

"Ano? Uulit ka pang tangina ka?" Ngising tanong ni Andrei sa kanya.

Hindi na niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Sa loob ng isang buwan, simula ng huling tawag niya ay palagi na niyang sinusundan ang asawa.

'I can't. Hindi ko kayang pakawalan ang asawa ko'

Sa loob ng isang buwan wala siyang ginawa kundi sundan ang asawa. Torture sa kanya ang mga araw na iyon. Makita ang asawa na nakangiti kasama ang ibang lalaki, ibang tao. Sa tuwing minamasdan niya sa malayo ang asawa ay hindi niya maiwasang hindi magdalawang isip kung tama ba ang ginawa niya. Kung tama ba ang desisyong pumayag sa pakikipaghiwalay dito.

Hanggang sa makauwi siya sa condo niya ay blangko ang utak niya sa mga bagay bagay. Imbes na tumuloy sa kwarto at maglinis ng katawan ay dumiretso siya sa kusina. Binuksan niya ang fridge at kumuha ng alak. Agad niya iyong tinungga mula sa bote. Kumalat ang init at pait sa kanyang lalamunan pero wala siyang pakialam.

Mafia Series 5: Blake Nixon Wartter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon