Part 7

190 5 13
                                    

PV's POV

"POP QUIZ"

"AWW!!!!" sabay-sabay naming angal. Anu ba naman kasi..ba't kasi nauso pa sa vocabulary  ng teacher ang term na 'pop quiz' tsk nakakapop ng utak eeh! =_=

"Timer starts now!" at may timer pa?! Ibang klase!!!

Wala kaming nagawa...napilitan kaming magsagot na lang. Aish! Wala pa man din akong ganung natutunan sa mga dinada ng prof.  na 'to kahapon....haish~

Nang nagiisip ako ng maisasagot...nabaling ang tingin ko sa katabi..FYI lang baka kasi pumasok sa isip niyo na nangongopya ako..hindi po! Kasi naman angwapo ng katabi ko....choz lang! Wala..napatingin lang ako kay Jerome.

Seryosong seryoso sa pagsasagot at mukhang relaxed din. Alam niya siguro mga sagot..samantalang ako...nganga! Partida ha palagi pang nakikipagrock-rockan 'to gabi-gabi samantalang ako...Okay ayoko nang magkumpara...pumapanget tingin ko sa sarili ko =_=.

Ilang minuto lang...

"Time's up! Pass your papers forward" nagtayuan sila para ipasa ang kanya-kanyang papel...pagabalik ko sa upuan ko...

"Chingu..may nasagutan ka?" si Yoto..nasa tabi ng chair ko..

"Meron din kahit pano...(=_=") "

"Buti ka pa... TT^TT "

"Naku..chingu okay lang yan..bawi tayo sa susunod.."

Tapos nagbreak time...napansin kong naunang lumabas ng room si Jerome. Anyare dun? Nagmamadali lang?

Lumapit sakin si Yoto tapos...."Chingu...pupunta muna kong faculty ha...may ipapagawa uli yata sakin si prof. pasensya na chingu" 

"Okay lang chingu ^_^ basta balik ka after ng break ha?"

"Sige sige!" tapos umalis siya.

Lumabas na din ako ng room para humanap ng makakain.

Napadaan ako sa may bulletin board..may isang poster dun na nakakuha ng atensyon ko.

"Opportunity to continue your study abroad"

Nice naman. Binasa ko yuung mga details..

Japan. Ipapadala daw ang piling students sa Japan para dun magpatuloy ng pagaaral nila for 4 years. Sagot ng school lahat ng gastusin mula sa flight papunta dun, educational expenses hanggang sa expenses mo sa pang araw-araw..plus may allowance pa. Wow..ang ganda naman ng scholarship na 'to.

Interesting! Kaso..pagtingin ko ng deadline of submission of requirements.....ngayon na!!!!! Wah?! Anu ba yan!!! TT^TT Gusto ko pa naman magtry..baka sakaling palarin ako at makasama ako sa mga ipapadala sa Japan. Kaso..mukhang umpisa pa lang minalas na ko eeh. 

"Hay~" napabugtong-hininga na lang ako at nagsimulang maglakad papunta sa cafeteria. Mukhang hindi ko ata maabot yung pangarap kong yun....hay di bale..bata pa naman ako..marami pang dadating sa'king opportunities.

After kong kumain..bumalik na ko kagad sa room dahil malapit nang magsimula  yung next subject namin. Ayoko nang malate..ilang beses na kong nalate eh. Bago pa dumating si prof. nakarating na sa loob si Yoto. Ilang minuto lang nagstart na kami sa lecture namin ..pero....ba't wala pa siya? Anu na kayang nangyari dun?

Matapos ng ilang oras namin sa subject ng History...umalis na yung prof. namin. Pumasok naman yung isang student na assistant ng prof namin..yung nagpapop quiz kanina?

ELF Fantasy:Guitar & RockstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon