Part 3

204 10 6
                                    

PV's POV

=_=

Tama ba hinala ko???

Itong lalaking katabi ko ngayon na transfer student ngayon lang......eh kamukha nung lalaking sumira sa gitara ko???!

Pero kung titingnan......black hair siya..tapos nakasalamin. Pero magkamukha sila....O imagination ko lang????

Siguro masyado lang akong depress sa nangyari kaya paulit-ulit bumabalik sakin ang lahat. Hay naku!!! Pag naaalala ko yung mukha ng rakistang yun..nagiinit ang ulo ko!!!! ARGH!! Mabuti at kahit pano nakaganti ako sa kanya...yung isang piece ni Nocturne binato ko sa kanya hahahahaha XD epic yung reaction niya eh!

"Class dismissed" and out the professor went. Hay salamat tapos na din ang boring lectures.

Nagsitayuan kaming lahat kasi ang next subject namin ay Music Class, so dapat pa kaming magmigrate sa Music/Theater Room. 

Paglabas ko ng room, nagulat ako ng may biglang humablot ng kamay ko at kinaladkad ako....yung tipong hawak niya kamay ko tapos hinila na lang ako papunta sa kung saan. Sa sobrang gulat ko eh di ako nakapagreact.

Dinala niya ko sa isang gilid ng building kung saan walang tao. Binitawan niya ko once nakarating kami dun.

Tinanggal niya yung salamin niya.....OMG!!!!!!! Kamukha nga niya si rakista guy!!!!!

"IKAW YUNG RAKISTANG SUMIRA KAY NOCTURNE KO!!!!!!" sabay turo ko sa kanya..

"SHH!! Wag kang maingay!" chineck niya kung may iba pang tao..."Walang dapat makaalam ng tungkol jan naiintindihan mo????"

Oh~ parang alam ko na 'to ah...."Ahh.....so ayaw mo may iba pang makaalam na isa kang rakista??"

"Oo, so you better shut your mouth about it!"

Ah...so ganun?

LIghtbulb!!

"HOY CLASSMATES!!!!!  MAY RAKISTA DITO!!!!!! MAY RAKISTA DITO SA SCHOOL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" pagsisigaw ko.

Tinakpan niya yung bibig ko ng kamay niya ...."What the heck?!! Sabi ko wag kang maingay eh!!!!!!" with matching kunot ng noo.

"MMM@#$@#%#$^$#&^%*#&%#$%GFDHDYTU%^%&$&$^*$&^*" nagstruggle akong makapagsalita pero hindi niya talaga ko binitawan kaya  naman....

"AGH!!!!" kinagat ko siya...heheheh bleh!!! =P

Sinamantala ko ang pagkakataon at tumakas. Habang tumatakbo ako..nagsisisigaw ako.."WAH!!!! WAH!!!!!! AHH!!!!!! TULONG!!!!!!! HINAHABOL AKO NG STALKER!!!!" nagtinginan sakin yung mga dumadaan na estudyante...haha YES! Nakuha ko atensyon nila!!

Lumingon ako sa direksyon niya...imbis na habulin ako...tumayo lang siya dun nang nakakunot ang noo at nakatingin sa'kin ng masama....hahaha hindi na niya tinangka na habulin pa ko kasi alam niya mapapahiya lang siya hahahahaha XD Nagtagumpay ako!

Patuloy ako sa pagtakbo kasi alam ko malelate na ko sa Music class namin! Nakakainis kasi yung rakista na yun eh! 

Nasalubong ko si Yoto..

"Oh chingu!! Akala ko nasa Music/Theater Room ka na?" nagtataka niyang salubong sa'kin.

"Ha? *hingal" *hingal ...ah....ah...kasi .....hinihintay kita.....hinahanap *hingal*" ako naman ngayoon humahabol sa hininga ko...=_=

ELF Fantasy:Guitar & RockstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon