Part 2

219 9 10
                                        

Jerome's POV

Bumaba na kami sa backstage samantalang si Donghae,Dennis,Matthew at Nathan,Casey nanatili sa stage para sa next performance na "Gulliver"

Kinuha ko kagad yung tubig na iniabot sakin ni Henry.

"Henry oh.." inabot ko yung gitarang hiniram ko sa kanya. "Salamat."

"No problem hyung ^^" at umalis siya. Magreready na yata siya for the next performance...

Pagtapos kong uminom ng tubig dumeretso na ko sa dressing room..dalawa pa namang performance bago ako sumabak uli. 

Nakita ko yung guitar case. Tsk. Kanino naman kaya 'tong nakuha ko? Di bale babalik na lang ako sa bahay mamaya para palitan. Kinuha ko yung guitar  case at itinayo sa upuan sa tabi ko para pagtapos kong uminom ng tubig eh aalis na ko para dalhin 'to.

Habang umiinom ako ng tubig...

May biglang dumating.......

"HOY! RAKISTA! IBALIK MO SAKIN ANG GITARA KO!!!!" 

Paglingon ko sa kanya...natabig ko yung gitara.

*BAGSH!!!!!*

Parehas kaming napalingon sa direksyon ng gitara.

"NOCTURNE KO!!!!!!!!!" agad agad niyang nilapitan yung gitara at inilapag na lang basta-basta yung guitar case na dala niya. Teka...kung sa kanya 'tong gitara.....ibig sabihin...???

Kinuha ko agad yung binitawan niyang case atpagbukas ko......Electric guitar! This one's mine!!

"huhuhhuhuhuhuuh TT_TT" iniiyakan niya yung gitara niyang nasira. Tapos bigla siyang tumayo at tumuro sa'kin.."IKAW!!!! Pagbabayaran mo 'to!!!"

"Eh magkano ba?" sabi ko. I admit..may kasalanan din ako.

"Hindi!!! Palitan mo si Nocturne!!!"

"Ok fine. Saan mo ba yan binili?"

"No!!!!!! I mean ibalik mo siya sa dati!!!!"

"Ha? Sira ka ba? Kita mong sira na ipapabalik mo pa sa'kin?"

"Ah basta! Ayoko  ng iba! Gusto ko si Nocturne lang!!! TT.TT Kasalanan mo 'to!! Kung hindi mo kinidnap ang Nocturne ko hindi mangyayari 'to!"

Kinidnap? Anong pinagsasasabi nito?????

Ah! Naalala ko na! Siya yung babaeng nakatabi ko kanina sa train na may dala ding gitara. Wait...Ibig sabihin nagkapalit kami ng gitara?

"Look lady, Hindi ko kasalanan na nagkapalit tayo ng gitara"

"Anung di mo kasalanan????! Kinuha mo si Nocturne ko bago ko pa man siya mahawakan!"

Sakto...dumating sina Dennis at Aiden..

"Jerome anung nangyayari dito?"

"This girl...nagwawala siya kanina pa..."

"Anung nagwawala ka jan!!---"

Bago pa man niya madugtungan ang sasabihin niya...kinapita na siya ni Dennis at Aiden sa magkabilang braso niya.

"Teka! Anong ginagawa niyo?! Pakawalan niyo ko!!!!!" she tries to shave them off but she can't.

"Sige na Jerome, kami na bahala dito sa fan na ito, magayos ka na malapit ka nang magperform."

ELF Fantasy:Guitar & RockstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon