Nag aayos ako ngayon dahil pupunta kami ng lantern parade kasama ko sina Minet, Jo-anne at Aiza. Sa totoo lang ayoko talaga pumunta dahil naaalala ko lang yung mga bagay na dapat kinakalimutan na pero pinilit lang nila ako. 11pm na at sigurado akong marami nang tao.
Nagsuot lang ako ng white sleeveless top na pinatungan ko ng blue denim jacket. Denim jeans with black belt, white sneakers, a pair of earrings then I put my hair in a messy bun.
Lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kina mommy at daddy at nagpahatid kay Kuya Kiko. Wala akong curfew ngayon kasi may overnight kami kila Minet.
Pagbaba ko ng sasakyan ay pumunta na agad ako sa dating pinagtatayuan namin ng tent tuwing may ganitong event ang CLSU. Hindi naman ako nabigo at nahanap ko agad sila. Tinawag ko sila at kumaway naman sila sakin.
"Tagal mo namang dumating"-Aiza
"Ayoko nga pumunta kayo lang tong mapilit eh" walang gana kong sagot
"Oh siya tama na yan tara na sa oval nagsisimula na yung gig!" excited na sabi ni Minet.
Hinatak nila akong talo papunta sa oval at nakipagsiksikan kami haggang sa makarating sa upuan. Nag aayos na sila ng instrument at malapit nang magsimula yung gig pero hindi pa lumalabas yung vocalist.
"Wala pa naman eh, bibili lang akong tubig" paalam ko at tumango naman sila
"Bumalik ka ah"-Jo-anne
"Oo"
Hay ang hirap lumabas para akong dumaan sa butas ng karayom, grabe! Pagkabili ko ng tubig ay huminga muna ako nang malalim tsaka nakipagsiksikan uli!
Oo nga pala
Hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako
Nangangarap na mapasayoBigla akong napatigil. Pamilyar yung boses na yun ah. Binilisan ko pa makipagsiksikan baka kasi nagkakamali lang ako.
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
'Asan nga ba ako?
'Andiyan pa ba sa iyo?Habang papalapit ako ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko yung boses ng kumakanta.
Nahihilo (nahihilo)
Nalilito
'Asan ba 'ko sa 'yo?
Aasa ba 'ko sa 'yo?Pagkarating ko sa pwesto namin ay bigla akong natigil. Hindi ako makagalaw, parang huminto lahat ng nasa paligid ko at bumalik lahat ng ala alang gustong gusto ko nang makalimutan.
BINABASA MO ANG
Migraine
Teen FictionRelease ngayon ng bagong kanta ng Moonstar88 kaya andito ako sa mall para bilhin yun. Yes nag iisa nalang. Pagdampot ko ay may kamay ring pumatong sa casette na dinampot ko. "Ako nauna" sabay naming sabi ng nasa harapan ko.