DOS

14 2 1
                                    

Author's Note: Thank you sa lahat ng mga readers ko kahit konti lang kayo mahal ko kayooooo<3333

*FLASHBACK*

Eeya's POV

It's already 6 in the evening at pumipili ako ngayon ng isusuot. Birthday kasi ni Minet, sweet 16 at mayroon siyang party at 7pm kaya heto ako at gumagayak. I chose my black fitted dress na makinang at may lace strap na bumabagay sa black heels ko. Nagsuot rin ako ng see through black blazer and I curled my hair. Put my silver necklace na may maliit na pendant and a pair of silver earrings. Naglagay rin ako ng lipgloss, light eyeshadow at face powder. Kinuha ko na yung plain white shoulder bag ko at yung regalo ko kay Minet, then bumaba na ako ng kwarto.

"You look beautiful anak." Nakangiting puri ni Daddy nang makita niya ako sa sala.

"Siyempre Dad mana kay mommy!" sabi ko sabay ngiti kay mommy at natawa sila pareho hahahhah

"Oh sige na anak magpahatid ka na kay Kuya Kiko at baka malate ka pa." -mom

Hinalikan ko sila pareho sa pisngi bago nagpaalam umalis.

"Bye mom, dad, alis na po ako." sambit ko habang kumakaway palabas ng bahay.

"Eeya be here at 11pm and send our greetings to Minet!" Pahabol ni dad.

"Opo!"

Nilabas na ni Kuya Kiko yung kotse kaya lumabas na ako ng gate at agad sumakay.

"Saan kita ihahatid Eeya?" Tanong ni kuya Kiko

"Sa CLSU alumni po kuya Kiko, birthday po ng kaibigan ko." Sagot ko. Bata pa lang ako, si kuya Kiko na ang driver namin kaya medyo malapit rin ako sa kanya.

Pinaandar na ni kuya yung sasakyan at nagsimula  na siyang magmaneho. Nilabas ko naman yung cellphone ko para itext si Minet.

Ako: papunta na ako! ^^
*send*

Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ko. May message.

[inbox]
Minet: Dlian mu and2 na c Aiza at Jo-anne XD

-

-

-

"Eeya andito na tayo, hihintayin ba kita?" Sabi ni kuya Kiko

"Ay wag na po, bumalik nalang po kayo mamayang 11pm para di kayo mainip." Sabi ko at bumaba na ng kotse.

"Sige, enjoy Eeyah sabihin ko nalang sa daddy mo na babalik ako mamayang 11pm."

"Salamat kuya Kiko" pahabol ko. Ngumiti naman siya at umalis na.

Tumalikod na ako at naglakad papasok ng alumni hall. May malaking itim na gate sa labas tapos makikita mo na agad yung building na kulay orange and yellow at may nakalagay na "CLSU Alumni Hostel" tapos sa taas nun ay may malaking logo.

Sa gitna ng building ay malaking entrance papasok sa loob. Pagpasok mo doon ay may salamin na pinto at makikita mo sa dulo ng corridor yung hagdan papunta sa hall. Nagsimula na akong lumakad papunta sa hagdan. Puti ang tiles ng sahig at nakikita ko pa yung reflection ko. Yung hagdan ay may handrails at pag-akyat ko ay natatanaw ko yung labas ng building sa bintana pero may nakatakip na brown at white na kurtina.

MigraineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon