SUNDAY
*Toot* *toot* *toot*~
Nagising ako sa tunog ng alarm clock na nasa gilid ng kama. I got out of bed dahil ito ang favorite day ko, Sunday! Excited na ako kasi every Sunday kasi is our family day. And hindi lang yun yung reason kaya ako excited. Ngayon rin kasi yung release ng new album ng Moonstar 88 and meron akong specific na kantang inaabangan since nakita ko na yung list ng songs sa album before pa marelease.
*knock knock*
"Eeya ija pinapasabi ng mommy mo na bumaba ka na sa kusina at mag almusal kasama ang magulang mo."
"Opo manang pakisabi po susunod na ako."
"Oh sya sige"
Dumiretso na ako sa cr para maghilamos then bumaba na ako para magbreakfast kasama sila daddy. Pagkarating ko doon ay kumakain na sila kaya umupo na ako.
"Good morning mommy, daddy."
"Good morning anak"
"Good morning Eeya"
Kumuha ako ng fried rice, egg, sinigang soup, and my favorite spam tapos nagsimula na akong kumain. Tahimik lang kaming kumain ngayon dahil din siguro sa nangyari noong nakaraan though naayos naman na.
"San po pala tayo pupunta ngayon?"
"Mall, then we'll visit lola" -daddy
"Nice!"
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako. Sana hindi ako maubusan ng album. Makikipagsiksikan ako makuha lang yang album na yan!! I wore a high waist black jeans, white sneakers, white crop top, then pinatungan ko ng checkered polo pero hindi ko kinabit yung butones. Naglagay lang ako ng light make up para mukhang natural then lumabas na ako ng kwarto dahil ako nalang ang hinihintay. Medyo matagal kasi ako gumayak, medyo lang naman.
"Eeya tapos ka na ba? Tara na anak."
-mommy"Yes po, andyan na!"
Lumabas na ako ng bahay at nasa labas na yung sasakyan as usual ako magsasara nitong gate huhu. Sinara ko yung gate then sumakay na ako. Habang nasa byahe ay nakikinig lang ako ng kanta ng Moonstar 88 using my earphone and cassette player.
At pagkamalas malas nga naman, may traffic pa. After 1 1/2 hour ay nakarating thin kami sa mall. Oo isang oras ang byahe dahil medyo malayo. Pero dahil may traffic nadagdagan ng 30 minutes!
"We're here!" -daddy
"Eeya may bibilhin kaming furniture ng daddy mo, gusto mo ba sumama or magshopping ka nalang?"
"Magshopping nalang po hehe. And mommy bibili rin po pala ako ng album."
"Sure anak. Magkita nalang tayo sa department store."
Nanghingi muna ako ng pera bago humiwalay sa kanila. Pumunta agad ako sa bilihan ng album omg sana meron pa!! Pagpasok ko sa album store ay nagpiplay yung Migraine by Moonstar 88.
Inisa isa ko yung shelf para hanapin yung album. Wala dun sa 1st to 3rd shelf. Hala sana meron na dito sa last shelf. Pagpunta ko dun ay meron nga! Andun sa pinakadulo ng 4th shelf. Yes nag iisa nalang. Pagdampot ko ay may kamay ring pumatong sa album na dinampot ko. "Ako nauna." sabay naming sabi ng nasa harapan ko. He's wearing a navy blue hoodie and black pants tapos may dala syang gitara.
"Let go."
"Ayoko ako unang humawak dito."
"Ako"
BINABASA MO ANG
Migraine
Fiksi RemajaRelease ngayon ng bagong kanta ng Moonstar88 kaya andito ako sa mall para bilhin yun. Yes nag iisa nalang. Pagdampot ko ay may kamay ring pumatong sa casette na dinampot ko. "Ako nauna" sabay naming sabi ng nasa harapan ko.