EEYA's POVHi. Ako si Eeya Magdangal. 16, 4th year high school sa Central Luzon State University. I love reading pocket books and listening to Moonstar88.
MONDAY
*Toot *Toot *Toot *Toot—Ah yes ang sarap ng tulog ko. Monday ngayon kaya bumangon na ako sa higaan para maligo. I'm wearing our school uniform. It is a long sleeve collared polo with pink outlines and pink belt tapos may ribbon na tinatali sa ilalim ng collar. Ang pangbaba ay pleated skirt na below the knee. Nagblack shoes ako ngayon and white socks. Nagsuot rin ako ng silver watch, gagamitin ko yung black backpack ko at syempre dapat hindi ko kalimutang mag-ID. Mahirap na, ang sungit pa naman ng guard.
Bumaba na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para magbreakfast.
"Good Morning po Daddy" bati ko kay daddy sabay mano. As usual nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape.
"Good Morning anak" bati niya pabalik
"Good Morning Mom" hinalikan ko sya sa pisngi at umupo na sa hapagkainan.
"Good Morning Eeya anak" bati ni mommy sabay ngiti.
Dad is an attorney kaya lagi siyang busy pero naiintindihan ko naman tsaka bumabawi naman siya lalo na kapag birthday ko and anniversary nila ni Mommy. Si Mom naman ang nagmamanage sa business namin sa Manila. Pero kahit busy silang pareho, mamamasyal kami or kakain sa labas to spend time with me. Nag iisang anak lang kasi ako.
Kumuha lang ako ng sandwich na ginawa ni manang tsaka isang basong gatas. I hate coffee.
"Kamusta naman ang pag-aaral mo Eeya?" Tanong ni Dad
"Ayos lang naman po"
"Mabuti kung ganon, We'll see sa kuhanan ng card basta anak kapag nahirapan ka sa ibang subjects sabihin mo lang at ikukuha kita ng tutor." Dagdag niya pa.
"Dad hindi ko nga po kailangan ng tutor, daddy talaga" tugon ko. Lagi nya kasi 'yang sina-suggest eh mataas naman grades ko.
"Okay fine. I'm sorry" sabi nya habang natatawa, pati tuloy si mommy natatawa na rin. Halla sige ano ba nakakatawa dun? -,-
Umiling nalang ako. Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako tapos nagpahatid kay Kuya Kiko sa school.
Habang nasa byahe ay kinuha ko yung casette player ko at nilagay yung songs ng Moonstar88 then I plugged my earphones. Mabilis lang kaming nakarating sa school kaya bumaba na ako agad at nagtungo sa classroom.
Ang aga ko pala! Wala pang tao eh. Tiningnan ko yung oras sa relo ko. 6:30am palang. Ayan kasi Eeya masyadong maganda ang gising mo. Nagbasa nalang ako ng pocket book, pampalipas oras. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may narinig akong tawanan. Napairap nalang ako. Tawa palang nila kilalang kilala ko na. Pagpasok nila sa room, tama nga ako. Sina Jo-anne at Aiza. My friends, oh wala si Minet?
Si Jo-anne ay naka-apple cut hair. Siya ay may pagka-petite at chinita. Si Aiza naman ay mas matangkad ng kaunti kay Jo-anne. Hanggang balikat ang brown niyang buhok, morena at itim na itim ang mata.
"EEYA!" Sabay na tawag nila sakin.
"Ang aga natin ngayon ah, ganado ka mag-aral?" pang-aasar ni Jo-anne
"Mga sira! napaaga lang ako ng pasok pero hindi ako ganado mag-aral" sagot ko tsaka umiling.
Tumawa lang sila at naupo na rin. Pagpatak ng alas siete ay pumunta na kami sa gymnasium para magflag ceremony
BINABASA MO ANG
Migraine
Teen FictionRelease ngayon ng bagong kanta ng Moonstar88 kaya andito ako sa mall para bilhin yun. Yes nag iisa nalang. Pagdampot ko ay may kamay ring pumatong sa casette na dinampot ko. "Ako nauna" sabay naming sabi ng nasa harapan ko.