TRES

9 1 2
                                    

Partida walang edit edit to kaya pasensya na kung may mga typos, grammatical errors, etc. Salamat sa paghihintayyy! <333
-authornim~

"ATTORNEY MAGDANGAL!!! LUMABAS KA DYAN IKAW MAY DAHILAN KAYA NAKULONG ANG ANAK KO!!"

EEYA's POV

Nagising ako sa ingay na naririnig ko mula sa labas. Sino ba yun? Binuksan ko ng bahagya ang bintana ng kwarto ko at dumungaw sa labas ng bahay. May isang babae na sa tingin ko ay mid 40s ang nagwawala at nangangalampag sa gate namin.

"LUMABAS KA DYAN!! WALANG KASALANAN ANG ANAK KO!!"

Bumaba ako sa salas para hanapin si dad pero wala sya dun. Akala ko ba gagabihin lang syang umuwi?

"Manang?" Tawag ko habang iniikot ang bahay. Umiikot yung paningin ko, wala pa ako sa huwisyo dahil naalimpungatan ako.

"Oh Eeya mabuti naman at gising ka na!" Natataranta nyang sabi.

"Asan po ba si daddy? May nagwawala sa labas"

"Ayun na nga Eeya eh hindi pa umuuwi ang daddy mo."

"Eh ano nang gagawin natin ngayon?"

"Hindi ko alam" iiling iling nyang sagot

Lumabas ako ng bahay na nakapantulog pa, hindi ko na pinansin yun ang importante mapaalis namin tong nagwawala dahil ayokong isipin pa ni daddy to, madadagdagan nanaman ang aasikasuhin nya.

"IKAW!!" Turo sakin nang matanda

"ILABAS MO YUNG ABOGADONG NAGPAKULONG SA ANAK KO!"

"Huminahon po kayo nadada-"

"PANO AKO HIHINAHON KUNG NAKAKULONG ANG ANAK KO?!"

"Nadadaan po yan sa mabuting usapan"

Jusko ano bang gagawin ko dito, ang hirap naman pakiusapan. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang kotse ni dad na paparating. Napasapo nalang ako sa mukha. Nagmamadali syang bumaba ng kotse at nag aalalang tumingin sakin. Dali dali namang lumapit yung matanda kay daddy at lumuhod sa harap nito.

"Mrs. ano pong ginagawa nyo riyan? Tumayo ho kayo"

"Attorney parang awa mo na, walang kasalanan ang anak ko"

"..."

"Hindi ganong klase ng tao ang anak ko, maniwala ka sakin."

"Pasensya na po mrs. kung gusto nyo po ay mag usap nalang tayo sa firm."

Tumayo naman ang matanda at umalis na. Ha? Weird.

Pinagbuksan ko ng gate si dad at agad nya akong niyakap.

"Ayos ka lang ba Eeya?"

"Opo dad, sino po yun?"

Bumuntong hininga sya bago sinagot ang tanong ko.

"Isa sa mga kasong hinawakan ko. Simula nang makulong ang anak nya ay hindi na nya matanggap at ngayon ay wala sya sa matinong pag iisip. Dinala ko na sya dati sa mental hospital pero nakakatas rin."

"Tara na po sa loob."

"Mauna ka na anak, may tatawagan lang ako."

Tumango lang ako at pumasok na sa loob. Naligo ako at nagbihis tsaka dumiretso na sa kusina. Kumuha lang ako ng sandwich at nagpahatid na kay Kuya Kiko. Hindi na ako nakapagpaalam kay daddy dahil may kausap pa sya.

MigraineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon