Chapter 8
"Nandito pa pala 'tong shirt na 'to?" Bulong ko sa aking sariling nang makita ko ang shirt na ipinahiram ni Colt sa akin noong isang araw. Nasama kasi ito sa mga damit na nilabhan ko kanina.
"I'll return this to him later," saad ko pa bago ilagay sa gilid ang kaniyang band shirt. Tapos ipinagpatuloy ko na ang pagtutupi sa mga damit ko. Saturday ngayon kaya walang pasok at nakapaglaba ako ng mga damit na marurumi.
"Colt! Colt! Colt!" Pagtawag ko sa kaniyang pangalan habang kumakatok sa pinto ng unit niya.
"What? You need something?" Tanong ni Colt nang makita niya ako sa tapat ng kaniyang pinto. Bumukas nang bahagya ang aking labi nang tignan ko siya. He looks different and weird. Parang ang tamlay niyang tignan ngayon.
"Ibabalik ko lang sana 'tong band shirt mo na ipinahiram mo sa akin-" I stopped talking when my sentence was suddenly interrupted by his loud cough.
"Noong Wednesday," pagpapatuloy ko sa aking sinasabi. Tapos inilahad ko sa kaniyang harapan ang t-shirt niya na hawak ko. He looked at me with his teary and reddish eyes. Then he sniffed many times. It's too obvious that his nose was clogged.
"Just keep that shirt. It's yours now. I still have another one here," he replied using his weak voice. Kumunot ang aking noo nang muli siyang umubo nang paulit-ulit.
"Teka, may sakit ka ba?" Tanong ko kay Colt habang nakataas ang isa kong kilay. Umiling siya bago punasan ang kaniyang ilong gamit ang panyo na hawak niya.
"No, I'm fine. You can go back to your unit now," pagsisinungaling pa niya. Humakbang ako papalapit sa kaniya at idinikit ang likuran ng aking kamay sa kaniyang leeg.
"May sakit ka, eh!" Sigaw ko sa kaniya nang maramdaman ko na mainit-init ang kaniyang balat. Sunod kong hinawakan ang kaniyang noo at mainit din iyon. I was right, he's sick.
"This is just a simple and mild flu. I'm sure that I'll feel better later. I just need to drink some water and take some rest. Matutulog muna ako," nanghihina niyang pahayag. Isasarado niya na sana ang kaniyang pinto pero mas mabilis akong kumilos at agad ko itong itinulak papasok para pigilan siya.
"Anong ginagawa mo?" He asked me when I entered inside his condo unit without his permission.
"Syempre tutulungan kita. May sakit ka kaya!" Sagot ko sa kaniya. He just started at me straightly.
"Ganoon kasi ginagawa ni Mama sa akin kapag may sakit ako. Kaya gagawin ko din sa 'yo kahit hindi tayo ganoon ka-close," dugtong ko pa. I don't know why I'm doing this but I have a feeling that I should. It's just me being kind, I guess.
"You don't have to take care of me. This is nothing serious," pagtanggi pa rin niya. Ilang sandali lang ay muli siyang inubo.
"Anong nothing serious? Tignan mo nga, oh! Kanina ka pa ubo nang ubo!" Malakas kong pahayag sabay turo pa sa kaniya.
"Tubig at pahinga lang, mawawala din 'to," pagtutol pa niya sa akin. Napa-iling na lang ako nang bigla siyang bumahing.
"You can go now," pagpapaalis sa akin ni Colt.
"Nope! You need help, so I'll help you. Bayad ko na rin 'to sa shirt at towel na ipinahiram mo sa akin noong isang araw. Pati na rin sa bottled water na binigay mo," pamimilit ko pa sa kaniya. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ko sa kaniya. Kumunot ang aking noo nang umiling si Colt.
"Hindi ka pa uminom ng gamot? Bakit naman?" Dire-diretso kong sambit.
BINABASA MO ANG
Stars In Your Eyes (Under Revision)
RomanceIt is so ironic that Naveen Eren Verdian grew up in a family of musicians yet he's not interested in music. Upon entering college, his mom forced him to join the university's music club. As the good son that he is, Naveen signed up for the music clu...