Chapter 15
"Ano ba, Nav! Ang likot mo! Nahihilo ako dahil sa 'yo!" Bulyaw ni Apple sa akin habang pabalik-balik akong naglalakad sa kaniyang harapan. This is me when I'm nervous.
"Kinakabahan kasi ako, eh," natataranta kong sabi habang nanginginig ang mga kamay. Ngayong araw na ang pageant. Nasa backstage na kami ni Apple, kasama ang ibang contestants. Ilang sandali na lang ay kami na ang tatawagin para lumabas sa stage.
"Ano? Gusto mo bang mag-back out?" Masungit na tanong ni Apple. Umiling ako. Nagulat ako nang bigla niyang paluin ang aking kamay.
"Tumigil ka sa paglilikot d'yan. Baka pagpawisan ka at matanggal 'yang make-up mo," sermon ni Apple sa akin. Nilagyan kasi kami ng make-up kanina. Nakakulot pa nga ang buhok niya, eh.
"Chill ka lang, okay? 'Di mo naman ikakamatay ang paglalakad sa stage mamaya, eh," biro pa niya sabay tawa. Paano pa niya nakuhang tumawa kahit sobrang seryoso na ng sitwasyon namin ngayon?
"Kinakabahan kasi ako. Baka magkalat ako doon sa labas!" OA kong saad sabay turo sa labas kung nasaan ang stage.
"Hoy, umayos ka na d'yan! Tayo na raw ang susunod!" Sigaw ni Apple nang senyasan kami ng staff na kami na ang susunod na magpapakilala.
"Okay lang ba ang hitsura ko? Ang mukha ko? Ang damit ko? Ano? Maayos ba?" Sunod-sunod kong tanong habang tinitignan ang suot ko. Uniform lang ang suot namin. Mamaya pa naman ang sportswear.
"Praning lang, ah? Wag ka mag-alala! Gwapo ka pa rin naman!" Pagtawa ni Apple tapos hinila na niya ako palabas ng stage. I flashed a smile as we started walking on the stage. Most of the audience were cheering for us, that's why I waved my hand at them.
"Apple Claire Serrano, representing the Faculty of Fine Arts!" Pagpapakilala ni Apple gamit ang mic. Then she faced me, indicating that I'm the next one to introduce myself.
"Naveen Eren Verdian, from the Faculty of Fine Arts!" Malakas kong pakilala. Then I smiled cutely. Lumawak ang aking ngiti nang magtilian at magsigawan ang mga babae. Ang gwapo ko ba?
Habang iniikot ko ang aking tingin sa audience, napadpad ang aking mga mata sa isang sulok. Nakatayo siya doon at nakatitig sa akin. There is a sweet smile on his lips while staring at me. Napangiti ako dahil doon. Colt really knows how to make me smile. The heck, he can still make me smile even when he's not doing anything.
"Naks! 'Di nagkalat sa stage!" Pagbibiro ni Apple pagbalik namin sa backstage. I laughed at her words.
"Ikaw ang wag magkakalat mamaya! Sasayaw ka pa naman ng ballet," pang-aasar ko pabalik sa kaniya. Habang nag-uusap kami ni Apple may biglang lumapit sa akin.
"Edi kayo na! Edi kayo na!" Tumatawang saad ni Apple nang akbayan ako ni Colt. Yup, alam ni Apple ang tungkol sa amin ni Colt.
"Sinagot mo na?" Mapang-asar na tanong ni Apple sa akin sabay pasimpleng turo kay Colt.
"Uhm, hindi pa," medyo nahihiya kong tugon sabay kamot sa aking batok. Ilang sandali lang ay unti-unting uminit ang aking mga pisngi.
"Ay! Hindi naman pala easy-to-get si Kuya Nav! Pinapatagal pa ang ligawan!" Apple joked.
"Hala! Namumula siya! Kinikilig, oh!" Dugtong pa ni Apple sabay turo sa aking mukha. I'm probably blushing right now.
Ilang araw na kasi ang lumipas mula noong umamin sa akin si Colt. I was totally shocked and I don't know what to say or how to act. Basta ang sabi ni Colt, pabayaan ko lang siyang manligaw sa akin. Lalaki ako pero may nanliligaw sa akin. Weird, right? Well, I'm not going to deny it. I have feelings for him but I just don't know how to describe it.
BINABASA MO ANG
Stars In Your Eyes (Under Revision)
RomanceIt is so ironic that Naveen Eren Verdian grew up in a family of musicians yet he's not interested in music. Upon entering college, his mom forced him to join the university's music club. As the good son that he is, Naveen signed up for the music clu...