Chapter 12
Weeks have passed so quickly. Araw-araw akong pagod dahil pinagsasabay ko ang rehearsal sa campus pageant at ang basketball practice. Buti na nga lang kinakaya ko pang isingit ang guitar lessons namin ni Colt tuwing gabi. To be honest, I really enjoy doing a lot of things. Mas gusto ko na iyon kaysa sa tambay lang sa bahay at walang ginagawa.
Si Colveen naman, unti-unti nang lumalaki. Ang taba na rin niya, malakas kasi siya kumain, eh. Speaking of Colveen, natutulog na naman siya sa kama ko. Kakatapos lang din niya kumain. Sarap nga ng buhay ng pusang 'yon, kain at tulog lang.
Kasalukuyan akong nanonood ng videos sa internet nang bigla akong makarinig ng pagkatok galing sa front door ng aking unit. Itinigil ko ang pinapanood kong video at inilagay ang aking phone sa bedside table. Tapos tumayo ako at lumabas para tignan kung sino 'yung kumakatok.
"Oh? May kailangan ka?" Tanong ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng aking unit. Pagbukas ko kasi ng pintuan, si Colt ang sumalubong sa akin. What is he doing here?
"I'm bored," napakunot noo ako dahil sa kaniyang sagot. What?
"Huh? Bored ka? Anong gusto mong gawin ko?" Pamimilosopo ko sa kaniya.
"Can I stay in your place for a little while? It's really boring in my place. Wala akong magawa roon," pagdadahilan ni Colt. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano namang gagawin mo rito?" Masungit na tanong ko sa kaniya. He slowly scratched the back of his head before giving me an answer.
"I don't know," pagkikibit-balikat niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Is he kidding?
"Nang-aasar ka ba?" Pagsusuplado ko pa. Sa tingin ko pumunta siya dito para lang inisin ako.
"Just let me in, okay?" Naiinip niyang sambit. Napabuntong-hininga na lang ako. Ano pa bang magagawa ko 'di ba?
"Sige na nga, pumasok ka na. Kawawa ka naman, eh," pagpayag ko bago siya papasukin sa loob. Naisip ko kasi na gabi-gabi rin naman akong nakatambay sa unit niya. Siya nga ngayon pa lang makakapasok sa unit ko, eh.
"Wag kang maingay, tulog si Colveen," bilin ko kay Colt habang papasok kami sa sala.
"Where's Colveen?" Tanong ni Colt sa akin. Using my index finger, I pointed my room's direction.
"Nasa kwarto ko, natutulog," simpleng tugon ko. Umupo naman si Colt sa aking sofa. Feel at home lang?
"Hintayin mo ako d'yan, may kukunin lang ako sa kwarto," pagtayo ko para kunin ang aking laptop.
Pagbalik ko ay nakatayo na si Colt at tinitignan ang Ben&Den poster na idinikit ko sa pader ilang linggo na ang nakakalipas. Napatingin si Colt sa akin nang ilapag ko sa center table ang aking laptop.
"Ben&Den fan ka talaga, 'no?" Tanong niya habang nakaturo sa poster na tinuturo niya kanina. He's observing everything in my unit.
"Yup, since I was 14," I claimed proudly. Then I smiled. Ilang sandali lang ay lumapit si Colt sa aking kinaroroonan. Tapos umupo siya sa aking tabi.
"Manood ka na lang ng movie d'yan para hindi ka mainip. Pumili ka na lang ng kahit anong gusto mong panoorin," saad ko bago ibigay sa kaniya ang aking laptop. My streaming account was signed in.
"Puro romantic movies, ah," komento niya nang makita ang recently watched. Puro romantic movies at series nga ang mga nandoon. Ganoon kasi ang pinapanood ko palagi.
"Manood ka na lang, dami pang sinasabi," pag-iling ko bago sumandal sa sofa. Si Colt naman ay nagsimula na sa pagpili ng papanoorin.
"May gusto ka bang kainin? Oorder ako online," pahayag ko habang hawak ang aking phone at naghahanap ng pagkain sa delivery app.
BINABASA MO ANG
Stars In Your Eyes (Under Revision)
RomanceIt is so ironic that Naveen Eren Verdian grew up in a family of musicians yet he's not interested in music. Upon entering college, his mom forced him to join the university's music club. As the good son that he is, Naveen signed up for the music clu...