Chapter 11
"Sure ka ba na uniform lang ang susuotin natin?" Tanong ko kay Apple habang inaayos ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.
"Ikaw, ah! Kanina mo pa tinatanong 'yan! Makulit lang, Nav?" Pag-irap ni Apple habang naglalagay ng liptint sa kaniyang labi. May photoshoot kasi kami ngayong araw. Official portrait daw ng mga candidate para sa pageant. Isasabit 'yung pictures namin around the campus.
I already told my family about the pageant and they said they will come to watch me. Noong una, ayaw pa nga nila maniwala na kasali ako. But when I sent them pictures and videos from our practices, they eventually believed me.
"Bilisan mo d'yan! Baka ma-late pa tayo doon!" Dagdag pa niya bago magsimula sa pagsusuklay.
"Okay na ba 'to?" I asked after fixing my hair with wax.
"Yup, maganda naman tignan," sagot niya sa akin. Tapos naglakad na kami papunta kung saan gaganapin ang photoshoot.
"Kayong dalawa, candidates din ba kayo?" Tanong sa amin ng babaeng nadatnan namin ni Apple. Tumango kaming dalawa.
"Anong department?" Muling pagtatanong ng babae.
"We're representing the Faculty of Fine Arts po," Apple replied while smiling. Kumunot ang noo ng babae bago yumuko at tignan ang hawak niyang listahan. Ilang sandali lang ay muli siyang tumingin sa amin.
"Verdian? Serrano?" Banggit niya sa mga apelyido namin ni Apple.
"Opo," sabay naming sagot at pagtango ni Apple.
"Oh, sige na, puntahan niyo na 'yung mga make-up artist doon para maayusan na kayong dalawa," utos sa amin ng babae. Hindi na kami sumagot at agad na pumunta sa mga make-up artist na tinutukoy niya.
"Kayo na ba 'yung susunod?" Tanong sa amin nung isang beking make-up artist. We both nodded.
"Ah, opo," tanging sagot namin ni Apple bago umupo sa harapan ng salamain. Tapos nagsimula na sila sa pag-aayos sa amin.
"Hala! Ang kinis mo, ah! Anong skin care mo?" Papuri sa akin ng make-up artist habang inaayusan ako.
"Facial wash at sunscreen lang po," medyo nahihiya kong tugon. Sinamahan ko pa iyon ng tipid na ngiti.
"Gwapo na, kutis mayaman pa. Rich kid ka, 'no?" Muling sambit ng beki. Umiling ako. Kahit parents ko ang may-ari ng Adrasteia Records, hinding-hindi ko pinagkakalat na mayaman kami. Actually, I prefer the term 'may-kaya' than the word rich or mayaman.
"Hindi naman po," aking pag-iling. Tumawa naman siya nang mahina.
"Taken ka na, 'no? Hula lang, ah? Gwapo ka kasi, eh. Imposibleng wala kang jowabels," pang-uusisa pa niya. Natawa tuloy ako sa kaniyang sinabi.
"Single nga po ako, eh, walang girlfriend," pagtatapat ko. Ngumiti nang kakaiba ang beki habang inaayos ang aking buhok.
"Gwapo pero walang girlfriend? Nakakapagtaka, ah? 'Yung totoo, bakla ka, 'no?" Halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. What the fuck?
"Tama ako, 'no?" Pang-aasar pa niya. Bigla na lang pumasok sa aking isip si Colt. Shit!
"Hindi po, ah!" Umiiling kong pagtanggi. Umiling pa ako nang ilang beses para tanggalin sa aking isip si Colt.
"Ano ka ba?! Nagbibiro lang naman ako!" Saad niya sabay pabirong hampas sa aking braso. Katulad pala siya ni Apple, mapanakit.
"Walang bakla na gan'yan ka-gwapo, 'no!" Natatawa niyang dagdag sabay turo sa aking mukha. Nakahinga na rin ako nang maluwag. Buti naman nagbibiro lang siya.
BINABASA MO ANG
Stars In Your Eyes (Under Revision)
RomanceIt is so ironic that Naveen Eren Verdian grew up in a family of musicians yet he's not interested in music. Upon entering college, his mom forced him to join the university's music club. As the good son that he is, Naveen signed up for the music clu...