sometimes there's a scene in the movies happened in real life but its not intentionally and being an actor is not easy.
gigising ng maaga, kailangang sundin ang diet sched, mag shoot ng kung ano ano at kung saan saan, makihalubilo sa ibang tao and so many more and that's stressing me out!
"Pierre you have an live show tommorow please prepare" saad saakin ng manager kong si Tita Ela.
"Sige po Tita pahinga na po muna kayo"
"sige may kukunin lang ako sa sasakyan saglit"
"BAKIT hinahayaan ng manager mo ang pangyayareng ito?!" galit na sigaw ni Papa, sa pagiging artista hindi na maiiwasan ang galit at inggitan merong nagladala ng death threat saakin sa kasamaang palad si Papa ang nakabasa.
"Alfonso wala namang kasalanan ang manager ni Pierre walang may gustong mangyare nito huminahon ka nga!" pagpapakalma ni Mama kay Papa laking pasasalamat ko talaga at nariyan si mama kung wala siguradong pipilitin na naman ako ni Papa na bitawan ang pagiging musikero at Artista ko.
im 19 years old ng magsimula ako sa pagiging artista nakilala lang nila ako ng minsang magperform ako sa skwelahan, dati na rin akong nagmomodelo kaya hindi na rin nakabibigla kung malalaman nila agad ang ilang detalye patungkol saakin.
"Pa inaayos na ni Tita Ela ang lahat wag na kayong mag aalala"
"Pierre sinasabi ko sayo mag iingat ka!" pasigaw ngunit nasa tuno ang pag aalala.
"Anak mag doble ingat ka, ayokong may mangyareng masama sayo" nag aalala namang paalala saakin ni mama.
"Maghahanap ako ng magiging body guard at P.A mo"
nanlalaking nabaling ang buong atensyon ko sa tinuran ni Papa "what? Papa naman hindi nako bata kaya kona ang sarili ko!"
"That's my final decision kung ayaw mo huwag mo ng ituloy ang pag aartista mo!"
"Papa!"
"Alfonso!"
umalis na si Papa at naiwan kaming tulala ni mama alam ko namang nag aalala lang sa kalagayan at kaligtasan ko si Papa pero sobra naman na ata ang pagkakaroon ko ng Body at P.A.
"Anak maupo kana muna, Delya maghanda ka nga ng makakain ni Pierre!"
"Ma ayoko ng ideya ni Papa!" pagmamaktol ko ng matapos si mama sa pagkausap sa katulong nila.
"Alam ko naman iyun anak pero pabor din ako sa desisyon ng ama mo, delikado na ang mga nangyayare sayo anak" nag aalalang saad ni mama, binigyan ko ng isang napaka lalim na buntong hininga si mama.
"Ito na po ang pagkain"
"Oh kumain kana muna sigurado akong wala kapang almusal"
"Kila Dexter na lang po ako mag aalmusal"
"Anak kahit unti lang alam kung wala kapang kain, mamaya pa naman siguro ang live show mo"
binigyan ko ng cute na muka si mama para pumayag na umalis ako kahit naman anong gawin kong pagmamatigas kay mama ay hindi ako mananalo maliban na lang kung magpapacute ako sa kanya ng ganito, Ngumuso ako at yinakap ng patagilid si mama saka isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya "Mama please!!!! hinihintay na ako nila Dexter "
"Oh sya! sya! mag iingat ka ha! kumain ka rin bago pumunta ng set!"
"Opo ma, bye bye! mag almusal na rin po kayo!"
"ANO!? Body Guard and PA?" malakas na sigaw pa saakin ni Dexter, hinampas ko nga ng unan na kanina lang ay hinihigaan nya.
"Oo! ang ingay mo ang aga aga!" inis na wika ko sa kanya.
"Aray ko naman!"
"May point din naman ang papa mo Pierre " sabay kaming nilingon ni Dexter ang nagsalita at nag bukas ng pintuan ng kwarto ni Dexter.
"Alison is right no need to argue about that Pierre your dad is now finding your Guardian" malamig na wika ni Clock sabay upo sa sofa at binasa ang dala dala nyang libro.
naupo naman sa kaharap ko si Alison kung saan sa gilid ng kama sabay higa pa sa paanan ni Dexter "tsk! inaantok pa ako!"
"Edi matulog ka! "
"Kung pwede bakit hindi diba? may event akong pupuntahan"
"buhay artista nga naman nakakapagod buti na lang ako gwapo!" pataas taas pa ng kilay si Dexter sabay ayos ng magulo nyang buhok.
"Ang baho ng hininga mo mag toothbrush kana nga doon!"
"Oo na ang sensitive mo!"
"gwapo daw tse ang baho ng hininga mo!"
"ang panget mo!"
nagsimula na agad magbangayan ang dalawa hindi ko nga alam kung paanong nagkakasundo itong dalawang to sabagay never nga pala silang nagkasundo.
"Clock ang aga mo ata ngayon? may case kaba?" pagtatanong ni Alison sabay upo ng maayos.
"Oum."
"Kailan ba ang board exam?" curious na tanong ko.
"Next month."
"Ang aga naman makalunok ng yelo nito" rinig ko pang bulong ni Alison na sya namang narinig ni Clock at sinamaan sya ng tingin ganun din ang ibinigay saakin na tingin ni Clock ng marinig ang mahinang pagtawa ko.
_milesmoregorgeous♏