CHAPTER 27 [SOMEONE TO ME]

34 6 116
                                    

ZUO HANG

Tinulak ko si Megan papalayo sakin pagkatapos nya akong halikan. Sinamaan ko sya ng tingin at pinunasan ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit nya yon ginawa pero hindi na ako nagtanong. Lumingon agad ako sa isang tao.

Umiwas naman ng tingin si Wendy nung malingunan ko sya. Sumandal sya sa upuan at tumungga lang sa hawak nyang waterbottle.

Lumaylay ang balikat ko habang pinapanood syang walang kahit anong pakialam sa nakita nya. Walang emosyon sa mukha at nakatingin lang sya sa kawalan.

Napabuntong hininga ako. Kung sabagay, bakit nga ba ako umaasa sa magiging reaksyon nya?

Hinawakan ni Megan yung balikat ko kaya lumingon ako sa kanya. "So? How's the kiss? Tasty right?" Ngumiti sya.

Tinanggal ko yung kamay nya sa balikat ko at humakbang paatras. Medyo nakakapanindig balahibo yung mga kilos nya. "W-wag ka nang lalapit sakin"

Tumawa sya ng konti. "Oh please, just admit na nasarapan ka rin sa halik ko" Nagkagat labi sya habang nakatingin sa labi ko.

Tumayong bigla si Wendy at lumabas. Ilang minuto ang nakalipas pero hindi na sya bumalik.

May tumapik sa balikat ko. Ang akala ko si Megan nanaman yun pero si Deng pala.

"Ayos ka lang?" tanong nya. Inaya nya akong umupo sa sahig.

"Si Wendy, halatang wala talaga syang pakialam sakin" ungot ko pagkaupo. OA na kung OA pero hindi ko talaga mapigilang isipin. Aaminin ko na nadidismaya talaga ako.

"Pano mo naman yun nasabi?"

"Nakita nya kanina yung ginawa sakin nung babaeng pink yung buhok. Nasa harap nya pa mismo kami nung nangyari yon. Pero alam mo kung anong ginawa nya? Wala naman. Uminom lang sya ng tubig at relax na relax sa upuan nya."

"Hmm, hindi naman siguro yon dahilan para isispin mo yan.Si Wendy, tingin ko gaya ko hindi rin sya magaling sa pagpapakita ng totoong nararamdaman nya. Hindi dahil wala syang pinakitang emosyon ay wala na syang pakialam."

Lumingon ako kay Deng. Ito ang unang beses na nagbibigay sya sakin ng advice. Tsaka ibig sabihin kaya non, may pag-asa parin ako?

Nagsalita ulit sya. "Kadalasan, namimisinterpret ang mga introverts dahil sa mukha silang seryoso o blangko lang. Pero sa loob-loob nila, maraming emosyon ang nakatago. Kailangang mo syang intindihin Hang."

"Pano ko naman sya iintindihin kung pati yung simpleng nararamdaman nya hindi ko alam?" tanong ko.

"Edi alamin mo. Paghirapan mo. Sya yung nagustohan mo eh"

Napaawang nalang yung bibig ko. Magtatanong pa sana ako nang biglang may tumunog. Phone ni Wendy.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha yung phone na nakalatag lang sa upuan. Naiwan nya siguro.

Napahawak yung isang kamay ko sa bewang nung makita yung pangalan ni DingXian sa screen. Tumatawag sya.

Nung una nagdalawang isip muna ako pero sa huli, sinagot ko yung tawag.

"Hi babe!" bati nya pero hindi ako sumagot.

Babe daw. Ibig sabihin lang nito sinagot na pala sya ni Wendy. Tsk. Wala pa ngang isang linggo nung malaman kong may manliligaw sya eh.

"Babe! Kung wala kang ginagawa, yayayain sana kitang kumain sa labas"

STAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon