CHAPTER 21 [NIGHTMARES]

42 6 36
                                    

ZHANG JI

Nakahawak ako ngayon sa bewang ko habang pinapanood si Mitch sa kabaliwan nya. Nakapatong sya ngayon sa kama nya at patalon talon. Gusto daw nya magconcert..

Mabuti nalang wala yung mga dorm mates nya at umuwi raw sa kanila.
Hindi sila makakakita ng masungit na witch na comedy dancer umasta ngayon.

"Tumigil ka na nga jan, wala akong kasalanan kapag nabagok yung ulo mo ah"

""And aaa-III will always... love youuu!!!" Hindi sya nakinig at patuloy lang sa kakakanta.

"Para sayo yon Zhang Ji!" sigaw nya pagkatapos kumanta.

Ano daw? Para sakin?

"Hayst, sa kalasingan mo kung anuano sinasabi mo, matulog ka na nga lang, babalik na ako sa-"

"Ah! Ouchh!!!" Hindi pa nga ako nakakatalikod ng maayos at nalingat lang sandali ay inatake na naman sya ng kalamyaan nya. Naku naman..

Lumingon ako sa kanya at nagkukumahog na lumapit nang makita siyang nakadapa ngayon sa sahig at hawak hawak ang tuhod.

"Yan kasi eh!"

Binuhat ko sya at ipinatong sa kama. Ang bigat. Hindi ko na alam kung anong gagawin sa kanya kapag nagpatuloy pa sya sa ginagawa nya.

Bakit ba kasi sya nagpakalasing?

Sandali akong natigilan nang biglang bumalik sa isip ko lahat ng mga sinigaw ko sa mukha nya bago sya tumakbo paalis. Mula non, hindi na sya pumasok para sa afternoon class.

Kasalanan ko kung bakit nagkaganito sya ngayon...

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa buhay ko ay nagsalita nanaman sya.

Bumangon sya sa kinahihigaan at saka naupo. Tumabingi pa yung ulo nya habang tinitignan ako. Ano bang iniisip nya at ganon sya makatingin sakin?

Dinuro nya ako. "Ikaw lalake ka, alam mo ba na may gusto ako sayo ha?"

Halos parang gusto ko na yatang lumipad sa mars pagkatapos ng sinabi nya sa sobrang hindi pagkapaniwala.

Lasing na lasing siguro talaga sya. Puro mga imposibleng bagay ang sinasabi nya.

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Alam mo, gustong gusto ko na nga umamen eh. Pero ayoko. Ayoko! Lam mo kung baket? Kase, natatakot ako sa mga sasabihen mo. Natatakot akong iwasan mo ako.. Pero kasabay non, natatakot ren ako na baka unahan ako ng ibang mga unggoy jan sa paliged at sa kanela ka pa magkagosto"

Hindi ako lubos makapagsalita habang patuloy sya sa kaduduro sakin at kakasabi ng mga bagay na hindi ko inaasahan. Bigla nalang natikom yung bibig ko at walang kahit anong maisip sabihin. Pero mas lalo kong ikinagulat ang sunod na sinabi nya.

"Kaya Zhang Ji! Makinig ka, sa ayaw at sa gusto mo, ako: si Yao Mitch ay mismong manliligaw sayo. Getsh mo?"

...

WENDY

I held my head upon waking up. I feel so dizzy and I can feel a bit of head aches.
I looked around me. How did I get inside my room? Who brought me here?

I startled upon knowing the answer. Its the boy, peacefully sleeping beside me.

What is he doing here in my room? in my bed?!

I gasped a bit hard upon staring at my body...

Wait when did I take off my clothes?
Why am I only wearing my brassiere?

STAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon