CHAPTER 35 [RETURNED]

34 6 50
                                    


ZUO HANG

Ilang oras rin bago kami makabalik sa TF building pagkatapos ng mga di kapanipaniwalang pangyayari sa bundok na pinuntahan namin. Sobrang saya ko dahil hindi nawala si Wendy sa buhay ko.

Pero pagkatapos non ay panibagong problema nanaman ang darating. Bagay na hindi namin lubos na inaasahan.

"Hindi mo manlang ba bibisitahin yung lolo mo sa ospital?" tanong ko kay Wendy. Nandito ako ngayon sa harap ng dorm nya.

Isang araw na rin ang lumipas mula nung makabalik kami. Pero ni minsan ay hindi manlang binisita ni Wendy ang lolo nya sa hospital. Kahit pa nung sinabi naming gising na si Mr. Li, wala syang pinakitang reaksyon.

"No need. Anyways, maybe that's his karma." walang gana nyang sabi at tila ayaw pag-usapan ang bagay na yon.

Nangunot noo ako. "Wendy lolo mo sya. Nasaktan sya at ikaw nalang yung natitirang pamilyang kaano-ano nya."

"So? Will my existence in that hospital be able to cure his wound? No."

Sinara agad ni Wendy yung pinto. Napabuntong hininga ako. Pagdating sa lolo nya, biglang lumalakas yung masungit na awra ni Wendy.

Naiintindihan ko naman sya dahil alam kong nararamdaman nya yon dahil sa galit. Gusto nyang ipaghiganti ang lola nya. Pero kahit ganon, hindi ko parin maiwasang maawa kay Mr. Li. Lalo na sa sitwasyon na kinalalagyan nya ngayon.

Pero ang nakapagtataka, bakit naman nila babarilin si Mr. Li? Anong pakay nila sa kanya? At higit sa lahat, sino sila?

Hindi kaya... si Wendy yung nagpagawa non?

Napakunot ako at umiling iling. Bakit ba yon pumasok sa isip ko? Saan naman galing yon? Kahit gaano pa kalalim ang galit ni Wendy sa lolo nya, imposible naman na magagawa nya syang barilin. Sa tagal na rin naming magkasama sa building nato, alam kong mabait si Wendy. Hindi ngalang nya masyadong pinapakita.

Bumuntong hininga ako at inilapit ang sarili sa nakasarang pintuan.
"Wendy, gaya ng sabi ko kanina, sya parin ang lolo mo. Wendy kailangan ka parin nya. Sana... kahit ngayon lang, isantabi mo muna yung galit mo sa kanya" sabi ko at saka umalis na sa harapan ng pinto.

Bago pumunta sa hospital ay napagisipan kong dumaan muna sa isang convenience store at kumuha ng konting meryenda. Medyo nagutom kasi ako ng konti. Nagrarally na yung mga alaga ko sa tyan.

Ilang minuto ang inabot ko bago makarating sa store. Tinaguan ko pa kasi yung fans. Nagdisguise ako ng suot pang janitor at nakamask na pumunta sa labas.

May mga nagsabi pa ng "ang liit naman ng janitor nila" nung dinaanan ko sila. Tsh. Kinulang nga sa height, nasobrahan naman sa kagwapuhan.

Matagal rin akong nanatili sa store. Ang dami kasing pagpipilian pero ni isa wala akong nagugustuhan. Nagminimini may nimo nalang ako at yun ang kinuha ko.

Tumingin ako sa orasan ko. 4:30! Ilang minuto nalang magsisimula na yung practice pero hindi ko pa nabibisita yung CEO!

Dali dali akong naglakad papunta sa counter nang aksidente kong makabangga ang isang babae. Nahulog yung ilan sa mga hawak nyang ipapamili nya.

"S-sorry" agad kong pinulot yung mga nahulog nya at iniabot sa kanya.

Isa syang babae na higit ata sa bente ang edad. Nakasuot sya ng brown na coat at nakasuot rin ng shades. Hindi ko makita yung mga mata nya pero sa makapal at nakataas na kilay palang nya mukha syang mataray.

STAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon