CHAPTER 28 [HIS ANSWER]

34 6 28
                                    

MITCH

"Lotion, sabon, shampoo, suklay, charger, pabango, powerbank, extrang damit, medyas, hmm ano pa kayang kulang?" tanong ko sa sarili.

"Grabe naman to, lahat talaga 'to dadalhin ko?" ani Ji habang sinisipat ng tingin yung bag na inimpake ko para sa kanya. "Apat na araw lang naman kaming mawawala, pang isang buwan ata to eh"

"Wow ha, salamat sa napakaganda at napakasincere mong appreciation. Damang-dama ko grabe"

Pupunta silang dalawa ni Hang sa Shenzhen ngayon para umattend sa mga shows. Apat na araw akong walang liligawan. Rest day na kaya tawag don?

Napabuntong hininga ako habang tinitignan si Ji. Parang may kung ano akong naramdaman sa mata ko.

"Oh, bat naman parang namamasa na yang mata mo? Hindi pa nga ako nakakaalis miss mo na agad ako." nanunukso nyang sabi.

"Whatever. Basta ha, hindi porke wala ako don kung saan saan na dumadapo yung mata mo ha?"

"Tch, syempre naman, loyal kaya to kay Bobo"

Napalingon kaming dalawa nung marinig si Umbridge. Ang layo layo samin pero abot dito yung sigaw. Kung may natutulog lang siguro ngayon pwede na syang gamiting alarm clock.

"But why can't I go to Shenzhen with them? I'm a makeup artist! They need me since they'll go live in the television! They need better looks!"

Duh! Gwapo parin kaya yung Ji ko kahit wala silang makeup!

"Kita mo yang higad na yan? Yang mga ganyang klaseng babae iwasan mo. Yung kung dumikit sa mga lalaki daig pa yung linta." saad ko

"Ah, yung mga babae na mas malandi pa kesa sayo?"

"What?!"

"Eh totoo naman eh, ganon ka nga rin kung makadikit ka kay Hang non"


Napahawak yong isang kamay ko sa balakang. "Duh! Don't bring up the past dahil nagbago na ako ngayon"


"Nagbago daw. Sus! Eh kamusta naman yang katarayan mo? Nawawala o lumalala?"

"Whatever, syempre depende yun kung sinong kaharap ko"


Natigil kami nang magsalita yung guard nila. "Ilang minuto nalang aalis na tayo, nasan ba si Zuo Hang?"


"Oo nga, asan na yun?"

...

ZUO HANG

"Siguradong siguradong sigurado ka na ba jan sa plano mo?" tanong ko kay Wendy


"For a billion time... yes." sagot nya pero hindi parin talaga ako kumbinsido.


Sa pagkawala ni Kaycee, si DingXian na ngayon ang pinaghihinalaan ni Wendy. Wirdo daw kasi yung mga kilos nya. Nakita rin sya nung guard sa gate nung gabing nalasing sina Wendy. Balisa daw yung mukha nya pagkalabas ng building.

STAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon