Kabanata 2

358 30 4
                                    

Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw nang madatnan ng ilang staff si Karylle na abala sa sarili niyang opisina. Bakas sa mukha nito na tila hindi siya nakatulog ng maayos kagabi.

"Good morning, ma'am. Ang aga-aga niyo naman po ngayon," nakangiting pagbati ng isa sa mga guwardiya nang sandaling lumabas si Karylle. Napatango lang naman ang dalaga at napangiti ng kaunti. "Excited na po ba kayo para bukas? Siguradong matutuwa po ang lolo at lola ninyo para sa inyo, ma'am. Sobrang ganda po kasi ng ginawa niyo rito sa museyo ng pamilya ninyo."

"Salamat ho. Sayang nga lang kasi hindi sila makakapunta," giit ni Karylle at bahagyang nakaramdam ng lungkot dahil hindi niya makakasama sa mahalagang araw na iyon ang dalawang taong nagpalaki sa kaniya.

Hindi natuloy ang pagbisita ng kaniyang lolo at lola sa Pilipinas ngayong taon. Hindi na raw kasi kaya ng kaniyang lola ang bumiyahe ng malayo at matagal. Kaya napag-usapan nalang nila na si Karylle ang pupunta sa Amerika sa susunod na mga buwan upang doon magdiwang ng pasko.

Akmang papasok na ulit sana si Karylle sa kaniyang opisina nang dumating naman ang kaibigan niyang si Kathy. "Anong nakain mo kagabi at sobrang early mo yata ngayon?" pag-usisa nito sa kaniya at inabot ang isang cup ng kape katulad kahapon.

Nakagawain na itong gawin ni Kathy nang nagsisimula palang sila sa pagtatrabaho. Nang makatapos sila ng kolehiyo, iisang kompanya lamang ang kanilang pinasukan. At sa kanilang magkakaibigan, si Kathy ang palaging nangunguna sa pagbili ng mga inumin, alak man o kape.

Nagpasalamat naman si Karylle bago sila sabay na pumasok sa loob ng opisina. "I got here early because Thea said we still have a lot of things to do here for tomorrow's grand re-opening. Marami pa raw tayong aasikasuhin dito kaya mas mabuti na simulan natin ng mas maaga."

Hindi naman agad naniwala si Kathy dahil kilalang-kilala niya na ang kaibigan. Alam niyang hindi ito sanay na gumising ng napakaaga. Palagi itong huli sa kanilang klase simula high school hanggang sa nagkaroon na sila ng trabaho. Mauuna lamang si Karylle sa opisinang pinapasukan nila noon kung hindi ito nakatulog ng maayos sa gabi.

"K, you know that I know that there's another reason kung bakit ang aga mo ngayon," pag-upo ni Kathy sa mahabang sofa at inilapag ang kape na para kay Thea na alam niyang darating na rin mayamaya.

Napahinto naman si Karylle sa kaniyang pagbabasa ng lumang libro at kunot-noong tinignan si Kathy. "You know, sometimes you're just overthinking things. I'm fine."

"No. I know that this is about your family heirloom. I already had a feeling last night na hindi ka makakatulog ng maayos dahil hindi pa rin natin yon nahahanap," dismayadong sambit ni Kathy at naglakad patungo sa tapat ng mesa ng kaniyang kaibigan. "Pero wag kang mag-alala, sabi naman ng may-ari ng club, tatawagan nila agad tayo sakaling mahanap nila sa mga footage ng CCTV kung sino ang nakapulot non."

Hindi naman agad nakapagsalita si Karylle dahil tila nakalimutan niya pansamantala ang tungkol sa nawawala niyang purselas. Dahil sa bumabagabag sa kaniya kagabi, tila nawala iyon sa kaniyang isipan.

Akmang sasagot na sana si Karylle kay Kathy nang magsalita naman itong muli. "Philippine Works of Art during the Spanish Colonial Period," kunot-noong pagbasa niya sa screen ng laptop ni Karylle. "What's this for? Bakit nireresearch mo 'to ulit? Hindi ba pinag-aralan na natin to dati?"

"I-I just — " hindi nasimulan ni Karylle ang kaniyang pagpapaliwanag nang basahin naman ni Kathy ang pamagat ng lumang librong kaniyang binabasa kanina pa.

"Heritage Towns in the Philippine Hispanic Era? Para saan naman 'to? Why the sudden interest on these kinds of stuff?" nagtatakang tanong ni Kathy kay Karylle at binigyan siya ng makahulugang tingin na nagpapahiwatig na kailangan niyang magpaliwanag ng maayos.

El SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon