Prologue

69 12 3
                                    

"Paging Ms. Ivy Shlyne Delos Reyes. To the dean's office, now." Sabi ng announcer sa paging system.


Hay nako! Pupunta na naman ako do'n. Pang-ilang beses na ba?


"Saglit lang Isa, pupunta lang ako sa D.O." Sabi ko kay Isa, bestfriend ko. Magkasama na kami since elementary. Up until highschool. Lagi kaming magkaklase, but this year hindi na.


"Sige. Mauna na ako sa classroom ko, ha? Bilisan mo baka ma-late ka. Bye!" Sambit n'ya.


"Sige sige!" At tumakbo na ako paalis.


Napakabait ni Isa. Mahinhin s'ya at tahimik. Samantalang ako, kabaliktaran n'ya. Baka nga siguro "opposites arract".


Bakit naman kaya ako pinapatawag ni Dean. Paborito siguro ako no'n. Pero nasanay na rin akong pumupunta dun. Hang-out place kumbaga. 


Umakyat ako ng second floor mula sa canteen. Naglu-lunch kami ni Isa kanina nang marining ko ang pangalan sa paging system.


Hindi na nakakasawang pakinggan.


Nakarating ako sa hallway ng D.O. Nakasalubong ko ang 3 lalaking sinigawan at sinermunan kahapon. Kaya ko sila sinigawan dahil minamaltrato na naman nila si Isa. Tiningnan ko sila ng masama at sinubukang takutin. Awtomatiko naman silang nag-iwas ng tingin. Ngumisi ako sa kanila.


Hinarap ko ang pintuan ng D.O. Hindi na ko kumatok at dere-deretsong pumasok. Nakita ko si Dean Colmenares na nakaupo sa swivel chair n'ya, nakatalikod sa 'kin.


"Musta, Dean! Anong ganap?" Masigla kong saad.


Humarap s'ya sa 'kin at kulang na lang ang usok na lalabas sa ilong n'ya.


"Ms. Delos Reyes! I am the Dean of the university you are studying at! Don't you know how to respect?!" Bulyaw ni Dean sa 'kin.


"Sorry Dean." Ano bang magagawa ko nasanay na 'ko. Nasanay na akong pumunta dito. Kala ko pa naman tropa kami.


"Do you know why I called you here? Again." 


May pagdiin pa yung 'again' nya. Hmm, kung iisipin higit na sa dalawampung beses na akong napatawag sa D.O. Mula elementary ay napapatawag na ko dito. Hindi naman ako nakakakuha ng sanction dahil hindi naman malala ang ginagawa ko.


Di naman ako yung masisisi kasi si Dean ang tumatawag sa 'kin sa office n'ya. Like duh, common sense, Dean. Tapos laging pine-page yung pangalan ko. So hindi ako yung may kasalanan.



"Do you know?" Tinanong n'ya uli ako.



"Hindi po Dean." Hindi ko naman talaga alam. Please enlighten me, Dean.



Bumuntong hininga s'ya tsaka tumingi sa akin. Seryosong seryoso.



"Three seniors have reported you a while ago. Inaway mo raw kahapon," tumigil s'ya at nagbago ang expresyon n'yang seryoso sa nagtatanong, "Is that true Ms. Delos Reyes?"



Sweet Taste of Rivalry   [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon