Chapter 1

41 9 5
                                    

Welcome to the Club!


Ivy's P.O.V


Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero binagalan ko uli para hindi ako maka-attend sa klase. Cutting class muna ako pero hindi cutting. Excused ako, duh.


Zach Rivera. Zach Rivera. Zach.....Rivera...


Kanina pa nagpapaulit-ulit sa isipan ko yung pangalan na yun. Pati yung 'Rivera' n'ya sobrang pamilyar eh. Nevertheless, hindi ako takot sa kanya. Kahit kampon pa s'ya ng demonyo, hindi ako matitibag.


Room 306, 307, 308.....309.


Tumigil ako sa harap ng pinto nila. Nagsisigawan sa loob. Sa tingin ko nagkakagulo. May naririnig rin akong mga mura. May nabasag rin ata.


Baka mali naman yung room na nabasa ko kanina. Hindi maaring magulo ang isang club. Dahil sa pag-aalinlangan, bumalik ako sa accounting office. Tumakbo ako pababa. Mula sa pagkakatakbo, sobrang hingal ko no'n.


At pagdating ko roon, nakababa na yung window nila. Ano ba 'yan! Sinarahan ako nung babae. Kinatok ko ng ilang beses, wala nang sumasagot.


Nagpaikot-ikot ako dun dahil hindi ko alam kung saan pupunta. Sa dulo ng hallway, may nakita akong janitor. Nilapitan ko s'ya, nagbabakasakali na alam n'ya kung saan ang room ng tennis club.


"Kuya!" Pagtawag ko sa kanya.


Nilingon naman n'ya ako. Lumapit ako tsaka nagtanong.


"Kuya, alam n'yo po ba kung saang room ang tennis club?"


"Tennis? Ahh, doon sa terd plor. Yung kadulo-duluhang room, doon 'yon." At nagbalik s'ya sa paglilinis. Natawa ako dun sa 'terd plor' n'ya, pasensya na, tao lang. Galing kasi ng mga pilipino eh, may accent.


So.....sa third floor....kadulo-duluhan......


So sila nga 'yun. Hindi pa rin ako sigurado kaya kailangan kong tingnan. Umakyat ako sa third floor at pumunta doon sa dulo. Napatigil ako sa harap ng pinto. 


Maingay pa rin sila. Magulo at parang nag-a-away. Nakailang beses akong huminga ng malalim para ihanda ang sarili. Ayaw kong pumasok dahil baka mas siraulo pa 'to sa'kin. Delikado. Pero.....

Sweet Taste of Rivalry   [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon