Chapter 3

86 0 0
                                    

Chapter 3:

Beatrice Sanchez P. O. V.

“The Night has arrived..” Nakangising bulong ko sa sarili habang pinapanuod ang pagpasok ng buong mafia Night sa loob ng bahay.

Napawi ang ngisi ko nung makaramdaman ng presensya sa paligid ko.

Binalingan ko ang kabilang bahagi ng tahimik na kalsada. Sa ‘di kalayuan ay nakita ko ang isang lalake na may hinihila pang isang lalake at mukhang lasing na lasing. Galit nitong kinakausap iyong lalakeng nakainom habang sapilitan itong hinihila. Mukhang sa gilid sila dumaan para makalabas ng mansyon. Pareho itong may suot ng gray na mask at nakasumbrelo. Napangisi ako bago ko isinuot ang itim na mask ko at tumalon sa puno para salubungin sila sa pagtakas.

Nung marating nila ang puno kung saan ako tumigil sa pagtakbo ay tumalon ako sa harap nila. Napaatras naman iyong lalakeng lasing na lasing dahil sa gulat nung makita ako.

“Trying to escape, huh?” Nakangisi at malamig kung tanong.

“Leave us alone!” Mahinang singhal sa akin nung lalakeng lasing na.

“I can.. but my knife can’t..” Mabilis na sinugod ko ito at inambahan ng kutsilyong hawak ko.

Napaatras ito matapos akong salubungin nung kasama nya na may hawak ding kutsilyo. Binalingan nito ang kutsilyong hawak ko bago ito pinasadahan ng tingin. Nakita ko nung magdilim ang mga mata nito matapos makita ang marka sa kutsilyo ko bago ako muling umatake na agad naman nyang nasasanga.

Nagpalitan kami ng mga pag atake gamit ang kutsilyo naming dalawa ng ilang beses. Inatake ko ito ng suntok at sipa na agad naman nyang naiiwasan na para bang nababasa nya ang mga kilos ko.

Nainis ako dahil madali lang syang nakakailag kaya mas nilakasan ko ang bawat pag atake ko. Ngunit nagulat ako nung walang kahirap hirap nyang napatalsik ang kutsilyo sa kamay ko at naitumba ako sa semento. Babangon dapat ako nung umupo ito sa mismong katawan ko habang tinututukan ako ng kutsilyo sa leeg ko.

“Get off me!” Singhal ko dito.

Bumali-bali ang leeg nito bago mas idinikit pa ang kutsilyo sa akin.

“You are to confident that anyone could be under you hands..” Madiin aniya nito sa malalim na boses dahil sa mask na nakatabing sa kanya. “And that is what will kill you..”

Agad akong tumayo nung tumayo din ito at inambahan sya ng suntok na agad naman nyang nasalo para pigilan.

“If you want to defeat me, then, better fix yourself first! You look like a broken-hearted warrior, you know?" Mariing singhal nito sa akin bago ako itinulak sa malapit na kotse at muling tinangay iyong kasama nya para umalis.

Natigilan ako dahil sa gulat. How could a mere guy manage to defeat me?! I’m a Sanchez for f*cking sake! I was train to be a great warrior, a mafia!

“Beatrice!” Narinig kong tawag sa akin ni Caroline na agad ko namang nilingon.

Nangigigil sa galit na tumayo ako ng maayos at bumalik sa pwesto ko kanina kung nasaan si Caroline. Nuong makalapit ay naririnig ko mula sa kabahayan ang mga mahihinang pag-iyak at pagdaing sa sakit ng mga bisita ni Coin.

“How was it?” Malamig kong tanong dito.

“Boring,” walang gana nitong sagot sa akin. “Who was that man whose talking to you?”

“The first stranger who manage to defeat me, other than my father and mother who trained me.” Malamig at madiing sagot ko dito.

Naramdaman ko ang matalim na titig sa akin ni Caroline.

Chasing The Mafia Boss's Heart || R18+ || SPG SCENES ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon