Chapter 9
p.s. The Guy na kumakanta sa Plaza ay laging makapal ang make up at iniiba ang itsura nito upang hindi siya makilala :)
*Plaza*
Habang narito kami sa plaza at medyo gabi na ay may nakita akong nagtitinda ng stuff toy at nakita ko ang paborito kong si Pikachu, so gusto kong bumili kaya naman hinila ko siya papunta roon, ngunit bago pala makuha ang stuff toy ay kailangan munang laruin ang kanilang palaro, agad namang akong sumubok ngunit hindi ko pa rin nakuha, tumalikod ako dahil hindi ko naman na nakuha at agad na naglakad papunta sa maaring bilhan ng pagkain.... ngunit bigla nalang may batang babae na lumapit sa akin hawak hawak ang stuff toy na gusto kong makuha, agad ko namang tinanong kung kanino galing 'yon at itinuro nito si Jm, habang papatingin ako kay Jm ay nakangiti lamang ito at hawak ang isa pang stuff toy... agad akong natuwa kaya napayakap nalang ako bigla... agad ko rin siyang hinila papunta sa bilihan ng street foods para tikman niya iyon dahil puro mayayamang pagkain lamang ang natitikman nito.
kaya naman habang kumakain ako ay nakatitig lang ito at ayaw nitong kainin ang pagkain, hawak hawak ko ang plastic na baso na may lamang fishball,kikiam at kwek kwek, agad kong pinasubo sa kaniya ang kwek kwek at ito'y nasarapan naman, dahil nasarapan ito ay kain na ng kain na para bang wala ng bukas... habang papatapos na kami ng pagkain ay agad na may sumigaw na kakanta na raw yung lalaki, nakatingin lamang at nakikinig ako doon at si Jm naman ay kinakain pa rin ang binili namin street foods, I saw the girl na tinulungan kong makalapit dun sa Guy but I forgot her name pero nakangiti pa rin siya ngunit biglang nalungkot ito nung nagsalita yung kasama ng Guy na hindi daw ito makakapag gitara dahil nasira ito... Agad kong naalala yung lalaki rin na tumulong sa akin dahil nasira rin ang gitara nito, ngunit Ang ganda ng suot nung lalaki na tumulong sa akin at mukhang mayaman at itong nasa Plaza ay medyo hindi....
Habang kumakanta ito ay naisipan ko nalang na umuwi na ngunit si Jm ay nakatingin doon at nakikinig na para bang kilala niya yung kumakanta.... agad namang natapos yung kanta at sinabi ko rito na uuwi na kami dahil gusto ko na ring magpahinga at bukas ay saturday kaya free time ko naman 'yon, nagulat ako na tinawag ako nung kumakanta at pinapalapit sa kaniya upang magrequest ako ng kanta ngunit agad akong hinila ni Jm papalayo at sumigaw ng, "He's My Boyfriend! Don't Bothered him!" nagulat ang mga tao at nagulat din ang Guy na kumakanta na para bang kilala niya kami ni Jm ngunit dahil sa ayaw naman ni Jm ay sumama nalang ako at biglang lumapit ang babae na aking tinulungan, dahil nga sa nakalimutan ko ang name nito ay tinanong ko siya muli,
"Sir Ivan?"
"Oh Hi, nandito ka ba para manood ulit sa kaniya?"
"Yes po, at masaya po akong makita kayo dito"
"Wait, I'm sorry I forgot you name, so pwede ko ba ulit malaman name mo?" nahihiyang tanong ko dito..
"Yes po, I'm Lynne sir."
"Ohh, yes Lynne, haha I'm sorry I forgot it."
"No, its okay sir I know naman po na marami kayong ginagawa..."
Habang kausap ko si Lynne ay nahahalata ko kay Jm na nagseselos ito kaya naman agad kong ipinakilala si Lynne sa kaniya..
"Jm? this is Lynne, nakilala ko lang siya dito noon.."
"Sige na matagal pa ba kayo maguusap?"
"No, just wait, magpapaalam lang ako..
"Ummm, Lynne, we need to go na mukhang nagagalit na itong alaga ko," pabiro kong paalam dito.
"Oh, its okay sir, take care po ah, and I hope makita ko po ulit kayo dito."
"Yahhh makikita mo pa rin ako dito haha, btw kilala niyo ba siya?" I pointed out yung Guy na kumakanta..
BINABASA MO ANG
Falling In Love with this? an IDOL?
RomanceA Young Man named Ivan ay isang Introverted person na maraming pinagdadaanan dahil sa Family Problem, bata pa lamang ay namulat na siya sa pag-aalaga ng isa nilang katulong, lagi silang nasa labas at gabi na lamang kung pumasok dahil sa problema ng...