Chapter 1: 1 New Message

1.1K 7 7
                                    

Chapter 1: 1 New Message

"Tagal naman tumawag ng company na yun" sambit ni Bea habang nag che-check ng email ng gabing yun. Biglang nakatawag ng pansin sa kanya ng isang email.

"You have 1 new message". Nanggaling ito sa isang social networking site na di nya madalas binibisita pero nakapukaw ng atensyon nya na parang may magnet na hinihila ang bawat galaw nya para buksan ang mensahe para sa kanya.

Binuksan din nya ang kanyang account at binasa ang mensaheng kanina pa nangangakit sa kanya.

"Hi, I am interested in meeting you - Peter" tapos check ng profile ng nagpadala. Sa kanyang larawan ay makikita ang isang lalaking mukhang nasa 30's na, katamtaman ang pangangatawan na naka checkered na polo shirt na naka crew cut at naka side view sa isang sala.

"In fairness, type ko sya" kinikilig nyang binulong habang nagreply sa nagpapakilalang binata. "I would love to meet you - Bea"

Di nakatulog si Bea ng gabing yon. Iniwan nyang bukas ang kanyang laptop habang tinitingnan ang larawan ni Peter. "Sana siya na ang hinahanap ko"

Bridge Between LifetimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon