Chapter 4: Waiting for Nobody
"Sana di siya magalit sa sasabihin ko. Kaya lang baka sabihin nya na flirt ako... pero sige kaya ko 'to" bulong ni Bea sa sarili habang na g iipon ng lakas ng loob sabay banggit ng "Sana makilala kita sa personal"
"Why not? Eh ganun din kasi sana sasabihin ko eh. Nag aantay lang ako ng tiyempo."
Nag decide sila mag meet the next day na eksakto sa interview ni Bea sa isang pinagpipitagang kumpanya sa Makati. Napag usapan nilang mag meet sa Gloretta
Kinabukasan...
Nagpapanic na si Bea dahil 7:00PM na at di pa siya natatawag para sa interview. "Antagal naman... Sana wag siya mainip"
7:30PM na nang makalabas si Bea sa building. Dahil sa traffic sa Ayala Ave., nilakad na lamang niya papuntang Glorietta.
Nakarating din siya ng Glorietta. Kahit pawis na, poised pa rin si Bea na naglakad papunta sa napag usapang lugar. Tinext niya si Peter at nag sorry dahil late siya.
Sumagot si Peter na nasa isang interview din siya at matatagalan pa siya. Sumagot naman si Bea na "ok lang, antayin na lang kita sa Starbucks"
8:30PM na at wala pa rin si Peter. "Nakaubos na ako ng choco na venti na may shot ng expresso. Nagpa-palpitate na yata ako. Wala pa rin si Peter. Dadating pa kaya siya?"
Nagsara na ang mall at nagpasya na lang umuwi si Bea na parang sinakluban ng langit.