Chapter 6: Waiting is Over
Nagpasya nang magkita muli sina Bea at Peter.
"Ui seryosong usapan na 'to ha? walang indianan" pagbibiro ni Bea
"Oo naman, sure yun" panigurong sagot ni Peter
Napagkasunduan nilang magkita sa Glorietta ng 6PM. Gumising na rin ng maaga si Bea kasi may final interview siya ng 1PM sa may Makati Avenue.
"Alin kaya magandang isuot? hmmm... red or blue or white?" pag iisip ni Bea habang nakatapis pa at namimili ng magandang isuot.
"Anak, kakain na! mag da-dalawang oras ka na dyan sa pagbibihis ah" nakangiting sambit ni Aling Isa habang nag aayos ng agahan.
"Opo. Lalabas na po." nagmamadaling sagot ni Bea.
"Ang ganda naman ng anak ko" bati ni Aling Isa sa suot ni Bea na pulang blouse na seda at slacks na grey.
"Syempre naman nay, mana yata ako sayo." sagot naman ni Bea
"O sya, kumain ka na at baka mahuli ka pa sa interview mo."
Matapos mag agahan, umalis na papuntang Makati si Bea.
Natapos ang interview ng 5:00PM. Nagmamadaling nilakad ni Bea ang daanan sa may Ayala.
Dumating si Bea sa napag usapan nilang tagpuan ng 5:45PM.
Tumawag sa kanya si Peter. "Oh nasan ka na?
"Dito ako sa second floor sa tapat ng Jollibee, dun sa may papuntang Glorietta 4" sagot ni Bea
Matapos ang 5 minuto...
Biglang may tumawag sa celphone "Ang ganda mo naman."
Lumingon si Bea.
Parang tumigil ang oras ng lumingon siya...