Chapter 5: Reconnection
Nasaktan man, di nawalan ng pag asa si Bea. Inisip nya na lang na baka may nangyari lang kay Peter kaya di siya nakasipot sa usapan nilang dalawa.
"Ano kaya nangyari dun? Dalawang araw na siyang di online ah".Nakatunganga lang sa PC si Bea ng biglang...
"Peter V. is now online" at sabay message ng "Sorry ha, late kasi natapos yung application ko. Sana mapatawad mo ako"
Parang bulate na nilagyan ng zonrox ang pagka excite ni Bea. Di niya malaman kung sisigaw ba siya sa tuwa o hindi. "Ok lang, I understand naman. Kaya lang nag antay ako nun ah" pakipot pa niyang sagot.
"Babawi rin ako sa'yo. Promise!" nagsusumamong sagot ni Peter.
"Sabi mo yan ha? Naku mabilis ako maniwala sa ganyan" sambit ni Bea.
"Yes, promise talaga" panigurong sagot ni Peter