Chapter 2: The Social Meet Up

251 2 0
                                    

Chapter 2: The Social Meet Up

Kinabukasan, nagmamadaling gumising at nag check agad ng email si Bea, daig pa ang batang ngayon lang nakatanggap ng sulat.

"Care to chat? add me up on my messenger: peter1968@yahoo.com - Peter" kinikilig naman nyang sinagot ng "here's mine: bea14"

"OMG makikita ko na siya mamaya" at dali dali nyang binuksan ang messenger nya para mai-add ang binata.

Buong araw nakangiti si Bea sa pagka excite sa magiging usapan nila ni Peter.

"May sakit ka yata ate at naghugas ka ng plato" panunukso ng kapatid niyang si Pocholo habang ini-aabot ang mga platong pinagkainan.

"Ay wala na, ayoko na maghugas!" nakangiting sabi ni Bea habang kunyaring aalis na sa kusina.

"Uy joke lang" sabay tawa ng magkapatid habang nagtutulog sa pag aayos ng mga pinggan.

Sumapit na ang gabi at patakbo pang pumasok si Bea sa kwarto para tingnan kung ini-add na siya ni Peter sa messenger niya.

"Peter V. has added you on his friends list." pabulong siyang nagsabi ng "Yes!" na halos mauntog siya sa double deck niyang kama.

Nag pop-up sa screen niya "Hi Bea, how's your day?" kinikilig na kinakabahan nyang sinagot ng "It's fine. How about yours?"

Nag video call din sila para magkita sila at marinig ang boses ng isat isa.

"Kakahiya naman suot ko." Banggit ni Bea na naka sando at pajama

"On the contrary, you look great" sagot ni Peter na naka white na t-shirt at naka pambasketball na shorts.

"Salamat. Alam mo, ang gaan ng loob ko sayo kahit di pa tayo nagkikita sa personal." nahihiyang sinabi ng Bea habang yakap ang isang teddy bear

"Ako rin naman. Mahilig ka pala sa teddy bear?" nakangiting sabi ni Peter

"Yes. Parang friend ko rin sila na nag co-comfort sakin pag sad ako o kaya naman pag kelangan ko ng kausap" sagot ni Bea

"Baka magselos ang mga teddy bears mo, kasi andito rin ako na handang makinig at mag comfort sayo" sambit ni Peter sabay kindat.

Naging magaan agad ang loob nila sa isat isa. Pinag usapan nila ang tungkol sa mga natapos na course, kung saan nag aral, kung ano at saan nagt-trabaho, mga embarrasing moments at kung anu ano pa.

Nagpatuloy ang usapan nila hanggang madaling araw. "4am na pala. Ano time ka matutulog?" tanong ni Bea sa binata.

"Oh? 4am na? di ko namalayan ang oras. Pero parang ayaw ko pa matulog, masaya akong kausap ka. Kahit abutin pa tayo ng umaga"

"Loko ka talaga" sagot ni Bea "Pero sa totoo lang, di pa rin talaga ako inaantok, masarap ka rin kasing kausap"

Mag a-alas sais na ng umaga ng magkasundo ang dalawang matulog na. Nagpalitan sila ng kanya kanyang numero ng celphone.

"Good night!" text ni Peter. Antok namang nagreply si Bea ng "Sweet Dreams!"

Bridge Between LifetimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon