Chapter 3: The Lullaby

178 1 0
                                    

Chapter 3: The Lullaby

Madalas na ang pag uusap nina Bea at Peter sa messenger nila. Nagkita rin sila gamit ang webcam.

"Ang pogi nya" bulong ni Bea sa sarili habang kausap si Peter. "You look beautiful" sambit ni Peter habang nagta-type at kumindat.

"Bolero ka din pala" nakangiting sabi ni Bea. Sabay banggit ni Peter ng "I'm not kidding, you really are."

Nag usap pa sila sa iba't ibang bagay. Sa mga hilig nila, sa mga pangarap sa buhay at sa mga balak nila sa hinaharap.

Kadalasan, buong araw nakabukas ang webcam. Sabay sila kumain na nakaharap sa webcam at ganun din sa pagtulog.

"Oh pano, tulog na tayo?" tanong ni Bea

"Gusto ko sanang bantayan ka habang natutulog ka. Ok lang ba na kantahan kita bago ka matulog?" panlalambing ni Peter

"Baka mapuyat ka nyan" kinikilig na sumagot si Bea

Kumanta si Peter ng "All My Life" na inawit ng bandang Americas habang natutulog na si Bea

Bridge Between LifetimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon