KABANATA 4 :
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam muna ako kay mama na may pupuntahan lang.
Sumakay pa ako ng tricycle para makarating doon sa may malapit sa bukid. Dito ako nag pupunta pag may bumabagabag sa akin.
Dito kami nakatira dati sa may bukid kaso lumipat kami ng bahay simula nung magkasakit ako at naconfine sa hospital ng ilang araw.
Pagkatapos non ay lumipat kami ng bahay dahil masyado daw delikado sa lugar na ito.
Pinagbabawalan ako ni mama na pumunta dito, pero hindi ko mapigilan.
Parang may nagtutulak sa akin na pumunta sa lugar na ito.
Naglalakad na ako sa malawak na damuhan papunta sa isang matandang puno na may parang kawayan sa itaas nito. Isang Tree house kung tawagin. Katabi nito ang isang napakalinis na sapa na maaring pagliguan. May nakasabit pang gulong dito na nagmimistulang duyan.
Umupo ako doon sa may gulong at nagmuni muni muna. Unang punta ko dito ay nung tatlong araw na ang nakalipas nang lumipat kami. Di ko nga alam kung paano ako napadpad sa lugar na ito.
Parang may nagtuturo sa akin ng daanan.
Nakatingin ako sa taas ng puno kung nasaan nandun yung parang maliit na bahay. Ang ganda ng pagkakagawa.
Apat na beses pa lang ako nakakapunta dito pero parang ang tagal tagal ko na dito sa lugar na to.
Tuwing pumupunta ako dito. Hanggang dito lang ako sa duyan na gulong.
Di ko pa tinatangkang puntahan yung itaas dahil baka meron palang may ari ng maliit na bahay na iyan sa itaas ng puno. Pero parang wala naman.
Naiintriga tuloy ako. Ano kayang meron doon sa itaas?
Nakita ko yung hagdanan. Tumayo ako at lumapit doon aakyat na sana ako kaso may nakita akong nakaukit sa may puno malapit sa hagdanan.
'KRusty KRubs :'> 12-12-12' Ang nakalagay. Nasa loob nung hugis puso yung 'KRusty KRubs' at sa baba nun ay 12-12-12. Napakatagal na pala nito.
Nakakatuwa naman kung sino man ang nag ukit nito. Hinawakan ko yung parteng may naka ukit at agad nanamang sumakit ang aking ulo.
May nakita akong imahe sa aking utak. Isang batang lalaki.
"Ahh!" Mahinang daing ko. Napahawak ako sa sumasakit kong ulo at napaupo na ako. Bumilis na din ang aking paghinga. Hinilot ko ang aking sintido at ikinalma ang aking sarili. Habang kinakalma ko ang aking sarili, may lumapit sa akin. Pamilyar yung sapatos niya. Bakit napakadaming pamilyar sa aking paningin ngunit hindi ko manlang matukoy kung saan ko ba nakita.
"Ayos ko lang ba?" Narinig kong sabi niya.
Inangat ko ang aking paningin at nagkasalubong ang aming mata. Lalong bumilis yung pagtibok ng aking puso.
Napakalapit niya sa akin. Nakayuko siya sa akin habang ako'y nakaupo at nakatingala sa kaniya..
BINABASA MO ANG
Di Inaasahan
Short Story" Sa lahat ng bagay kailangan mong maging handa marahil may mga pangyayaring hindi mo inaasahan. Mga pangyayaring kahit kailan man ay hindi pumasok sa iyong isipan.."