- 9

31 2 0
                                    



KABANATA 9 :



Kinagabihan ay hindi nanaman ako makatulog. Pinipilit kong alalahanin ang mga bagay ngunit sumasakit lang ang aking ulo.



"Mahal Kita Rachelle." Naalala ko nanaman yung sinabi nung lalaki kasabay sa aking alaala na tinawag kong Kristian.

Nanlaki yung mata ko sa aking naisip.



Siya kaya si Kristian?

Agad ko nanamang naalala yung pangyayaring iyon. Tumulo ang luha sa aking mata. Dugo. Sa alaalang yun puno ng dugo yung kamay ko. Parang kinirot ang aking puso. Hindi ko kayang isipin yon. Masyadong masakit.



Pinunasan ko yung aking luha at pilit na ikinalma ang aking sarili.



Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nauuhaw ako...

Tinignan ko yung orasan. 12 midnight na. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig sa refrigerator.



Habang nainom ako ng tubig ay may narinig akong nag uusap.



Nilapag ko yung baso at ibinalik yung tubig sa ref. Pumunta ako sa may sala at nakita kong bukas yung pinto.



Dahan dahan akong naglakad papunta doon. Sumilip ako at nakita ko si Mama at yung kapatid niyang lalaki na si Tito Antonio.



"Pano pag nalaman ng anak mo yung nangyari? Diba sabi mo malapit ng bumalik ang alaala nun?" Tanong ni Tito kay mama.



Di naman ako ganun ka mangmang para di matukoy kung sino ang pinag uusapan nila.



"Dalawang taon din nawala ang kaniyang alaala. Akala ko nga hindi niya na maalala kahit kalian."



"Okay lang na bumalik ang ala ala ni Rachelle. Ang kinakatakot ko lang ay pag nalaman niya ang totoo. Ayokong masaktan ang anak ko." Mahinahon at malungkot na sabi ni mama. Ano ang hindi ko dapat malaman?



"Eh kung hindi mo ba naman ginawa yung kalokohang iyon edi sana hindi mararanasan ng anak mo iyon. Edi masaya sana siya kasama parin yung lalaki."



"Tsaka dinadalaw mo pa ba yung magaling mong asawa sa kulungan? Diba alam ng mga anak mo na nagtatrabaho iyon sa ibang bansa? Bat hindi mo nalang kasi sabihin ang totoo?"



"Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa mga bata. Maraming salamat at sinusuportahan mo kami. Bukas ko palang dadalawin si Francisco. Di ko alam kung paano ko siya haharapin. Alam ko naman nagawa niya lang yon dahil sa galit. Sising sisi ako sa ginawa ko Antonio. Hindi ko na alam." Dismayadong sabi ni Mama



"Ate." Malumanay na sabi niya. Halos mapatalon ako sa gulat.



"Bakit gising ka pa Gelo?" Tanong ko sa kapatid ko. Nahinto din yung pag uusap nila mama at pumasok siya.



"K-kanina ka pa ba d-diyan?" Kabadong tanong ni mama sa akin.



Umiling nalang ako. "Kakababa ko lang po. Nauhaw lang ako kaya uminom ako ng tubig." Napabuntong hininga naman siya.



"Wala si mama sa kwarto. Natakot ako." Sabi ni Gelo.



"Ay pasensiya na Gelo. May kausap lang si mama." Sabi ni mama kay Gelo at binuhat ito.



"Sa kwarto ko nalang po muna siya matutulog. Tutal may kausap pa naman po kayo." Sabi ko kay mama.



Pumayag naman siya. Sabay kaming pumanhik ni Gelo sa kwarto ko.



Bago matulog tinanong ko muna si Gelo tungkol doon sa drawing niya nung isang araw.



"Si Kuya Kistian.. Hindi mo payin po ba maalala si Kuya Kistian?" Ang sabi niya. Umiling nalang ako.



"Oh sige, matulog ka na." Nakangiti kong sabi sa kaniya at hinalikan siya sa noo.

Mabilis na nakatulog si Gelo.



Samantalang ako ay gising pa din.



Di ako mapakali tungkol doon sa sinabi ni Gelo. At pati nadin yung pinag uusapan nila mama at ni Tito Antonio.



Masakit na malaman na may inililihim sila sa akin.



Si papa nasa kulungan? Bakit? Akala ko ba nagtatrabaho siya?



Hindi rin nagtagal, sa kakaisip ng mga bagay bagay ay nakatulog na ako.





Di InaasahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon