- 8

35 2 0
                                    



KABANATA 8 :







Pagkamulat ko, puting kisame kaagad ang bumungad sa akin. Nilibot ko ang aking paningin.



Nasa clinic ako ng school. Tumayo yung nurse pagkakitang gising na ako.



"Ms. Rachelle Yllana? Sumasakit pa ba ang iyong ulo?" Agad niyang tanong sa akin. Umiling nalang ako.



"Okay, Paki pirmahan nalang ito." Binigay niya sa akin yung papel na pipirmahan ko.



Pagkatapos kong pumirma di ko mapigilang di magtanong sa nurse na nasa harapan ko.



"Uhmm, " Napalingon naman siya sa akin.



"Ano yun?"



"Pano po ba nawawala ang ala ala ng isang tao?" Agad naman siyang nagtaka sa tinanong ko. Pero agad niya ding sinagot.



"Dipende. May amnesia ka ba? Nawawala yung alaala ng isang tao kung malakas yung pagkabagok niya o di kaya from traumatize. Madaming klase ang pagkawala ng alaala. Iyon ba ang dahilan kung bakit sumakit yung ulo mo kanina?" Mahabang litanya nung nurse. Bago ko pa siya sagutin natigilan kaming dalawa nang bumukas ang pinto ng clinic. Mabilis na pumasok si Nina. "Rachelle! Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong niya.



"Okay na ako." Nasabi ko nalang.



"Ano bang nangyayari sayo? Buti may nakakita sayo kanina at dinala ka dito sa clinic. Halika, umuwi na tayo. Kailangan mong magpahinga." Sa sinabi niyang yun agad ko nanamang naalala yung lalake kanina.

Hihintayin niya daw ako.



"Normal lang yung nangyari sa kaniya lalo na pag bumabalik na yung ala ala niya." Singit ng nurse.



Nanlaki naman ang mga mata ni Nina. Tinikom niya ang bibig niya.



"May alam ka ba sa nakaraan ko?" Agad kong naitanong sa kaniya. Mukhang alam niya kasi na may nawala sa aking alaala. Umiling lang siya.



Napabuntong hininga naman ako. Sigurado yung lalaking yun may alam. Tinignan ko yung relo ko at nakita kong 5pm na.

Hinanap ko kaagad yung bag ko at nung makita ko ay sinabit ko kaagad sa balikat ko.



"Saan ka pupunta?" Tanong ni Nina habang sumusunod sa akin. Hindi ko nalang siya sinagot at tinuloy ko nalang yung lakad ko.



Nadaanan ko yung soccer field subalit hindi ko siya nakita doon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gate nung school pero wala pa din siya.



Nasaan ka?



Sabi mo hihintayin mo ko?



Biglang pumasok sa isip ko yung tree house. Agad akong pumara ng Tricycle. At si Nina din ay sumakay.



"Saan ka ba talaga pupunta? Sino ba yung hinahanap mo?"



"May gusto lang ako malaman Nina. Ilang araw ng may gumugulo sa isip ko. Parang may napakalaking nawala sa buhay ko. Parang may kulang." Napasinghap si Nina sa sinabi ko.



"Matagal ng may nawala sa buhay mo Rachelle. Gusto mong malaman ang nakaraan mo? Kung ako sayo hindi ko gugustuhin. Hindi mo magugustuhan ang malalaman mo." Nagulat naman ako sa sinabi niya.



May alam siya.



Bakit hindi niya sinabi sa akin?



Gusto kong malaman kahit na hindi pa ito maganda.



Nakarating kami sa bukid. Naglakad kami ng ilang minuto hanggang sa makarating kami sa Tree House.



Si Nina naman ay nakasunod lang sa akin. Nilingon ko yung paligid, pero wala pa rin siya.



"Umuwi na tayo Rachelle, magdidilim na. Delikado na." Napalingon naman ako kay Nina.

Tama siya. Magdidilim na. Umuwi nalang kami. Si Nina ay hindi nalang umiimik sa tabi.






Di InaasahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon