KABANATA 12 :
Madami akong nakalap na impormasyon ngayong araw. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako ng mga taong nasa paligid ko.
"Patawarin mo ko Rachelle." Sabi ni Nina subalit hindi ko na siya pinakinggan pa.
Naglakad nalang ako patungo doon sa Tree House. May mga luhang tumutulo parin sa aking mga mata.
Di ko na alam kung pano ko pa ba papahintuin to.
Hindi ko inaasahang may ganito palang pangyayari. Bakit ang tagal nilang itinago ito sa akin?
Hindi ko inaasahang magagawa ni mama magtaksil laban kay papa.
Hindi ko inaasahan na yung matalik kong kaibigan ngayon ay may nagawang hindi maganda na hindi ko man lang nalalaman.
Tumingin ako sa itaas kung nasaan yung maliit na bahay. Umakyat ako doon.
———-
"Kakantahan kita para mawala iyang iniisip mo." Sabi niya sa akin habang tinotono yung gitara niya.
"Sige nga! Dapat yung maganda ha!"
"Syempre naman.." Sabi niya at nagsimula ng kalibitin yung gitara.
"Tumingin sa aking mata.
Magtapat ng nadarama,
Di gustong ika'y mawala,
Dahil handa akong ibigin ka..." Kanta niya sa akin.
Napakaganda talaga ng boses niya. Damang dama ko yung lyrics ng kanta.
Nasa harapan ko siya. Natigilan kaming pareho ng may biglang pumasok na dalawang lalaking nakamaskara. At may dalang baril.
Agad akong kinabahan.
"Kristian!" Puno ng takot na sabi ko sa kaniya. Binitawan niya yung gitara at nilagay ako sa likuran niya upang protektahan ako.
"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito!?" Sigaw niya sa mga di kilalang lalake.
Halos mapatalon ako ng makitang kong ipinutok nung lalaki yung baril niya at natamaan si Kristian.
Napatulala ako sa mabilis na pangyayari. Nanlaki ang aking mga mata. Nanginig ang aking katawan at bumilis ang tibok ng aking puso. Di ako makagalaw sa kina uupuan ko.
Kaharap ko lang siya at kitang kita ko ang pag daing niya sa sakit.
"Rachelle." Mahinang sambit niya. Agad na tumulo ang luha sa aking mata. Bago siya bumagsak ay nasalo ko siya.
"Kristian." Halos pabulong na sabi ko. Tinignan ko yung dibdib niya kung saan siya tinamaan ng bala. Dugo. Ang daming dugo. Sumikip ang aking dibdib.
"K-kristian..." Muli kong nasambit. Dahan dahan kong hinawakan yung dibdib niyang tinamaan ng bala. Nakatitig lang ako sa kaniya at unti unti siyang pumuputla. Ngumiti siya sa akin.
"Mahal kita Rachelle. Tandaan mo yan." Halos pabulong niyang sinabi. May biglang humigit sa aking kamay at pilit akong nilalayo kay Kristian.
"Bitawan niyo ko!!! KRISTIAAN!" Sigaw ko habang pinipilit na bumitaw sa hawak sa akin ng dalawang di kilalang lalaki. Nakita kong unti unti siyang pumikit.
Parang nadurog ang aking puso. Hindi! Hindi maaari! Hindi pwede! Hindi siya pwedeng mawala.
"Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko. Nagmamakaawa ako! Kristian! Krisitan.."Nagwawala na ako upang mabitawan nila ako ngunit sadyang napakalakas nila at wala akong magawa.
Unting unti lumabo ang aking mga paningin. Nahila na ako ng mga lalaki palabas nung tree house.
"Mahal din kita Kristian." Ang tanging nasabi ko bago ako mawalan ng malay."
———
BINABASA MO ANG
Di Inaasahan
Short Story" Sa lahat ng bagay kailangan mong maging handa marahil may mga pangyayaring hindi mo inaasahan. Mga pangyayaring kahit kailan man ay hindi pumasok sa iyong isipan.."